Gulat na binuhat ako ni Jeff papasok sa loob ng simbahan ng Bantay church bell tower kung saan naka abang ang dalawa kong pinsan na sina Mika at Milot, kapw nakabihis na ang mga ito nandoon na rin sina Van pati na ang ibang ni Jeff. “Love?” Takang tanong ko ng ibaba niya ako sa pinto ng simbahan. " Hindi na ako makapaghintay love, kaya pakakasalan na kita agad ngayon. “ Nanlaki ang mga mata ko na tumingin sa palibot ng simbahan at doon ko lang napansin na na puno iyon ng bisita at kumpleto ang lahat ng pamilya naming dalawa. Lumapit sa akin si Milot na may dalang belo habang may luha ang kanyang mata. “Hihintayin kita sa harap ng altar love, i love you.” Ani pa ni Jeff at humalik sa labi ko bago nag lakad papunta sa harap ng altar kung saan ang hihintay ang pare. Nakita ko ang pag lapit

