HUMINGA AKO nang malalim. Hindi ko na alam kung pang ilan ko na ba 'yon. Kanina pa ako nakatulala sa kisame ng kwarto ko sa condo. Hindi ko maalis sa isip ko kung ano ang mga nakita at marinig ko kanina. I didn't know how to react at that time. Hindi ko rin alam kung bakit kanina pa may natulo na mga luha sa mga mata ko. It's been 6-f*****g-years, and he still has the same effect on me. I harshly wiped my tears. Kanina ko pa gustong matapos 'tong pagluha kong ito pero hindi ko pa rin magawa. "Tangina," hirapan kong sabi habang hinahabol ang paghinga ko. Hindi ko alam kung bakit talaga ganon. Matagal ng panahon simula nung alam ko sa sarili kong mahal ko pa siya. Mahal na mahal. Akala ko sa paglayo ko, kaya ko, kaya kong kalimutan lahat. Kaya kong kalimutan pati nararamdaman ko sa kanya,

