Chapter 1

2563 Words
Chapter One: Heiress ___________________________________ REWANE "What?! Are you kidding me, Nis?!" hindi makapaniwalang tanong ko kay Nissa na kasalukuyang kausap ko sa phone. Nandoon sila ngayon ni Kuya Cleo sa Spain for their honeymoon. Apat na araw palang ang nakalipas simula nang ikasal sila at sasabihin niya ngayon sa akin na uuwi na sila bukas samantalang ang usapan ay isang buwan sila doon. "Oo!" she said menacingly. Bakas na bakas ang iritasyon sa boses nito. "Uuwi na talaga ako bukas. Naiinis ako sa Kuya mo. Ang sarap niyang ipakain sa mga pating! Nakakaasar!" "Oh, eh, bakit mo pa pinakasalan kung ganoon?" biro ko sa kanya. "Ewan ko! Napikot lang ako!" Hindi ko na napigilang tumawa sa naging sagot niya. "Pumayag naman si Kuya Cleo?" "Hindi. Pero wala siyang magagawa. Kung ayaw niyang umuwi, mag-honeymoon siyang mag-isa niya!Buwisit siya!" inis na inis na lintantiya niya. Napapailing nalang ako. Kahit kailan talaga, parang aso't pusa silang dalawa palaging nag-aaway at nagbabangayan ngunit hindi mo rin maipagkakaila na mahal na mahal nila ang isa't-isa. "Ano ba kasi ang nangyari diyan?" curious na tanong ko habang naglalakad ako sa pathwalk. Binuklat ko ang folder na hawak-hawak ko kung saan nakapaloob ang resume at application letter. Naghahanap ako ng bagong trabaho. Gusto ko sanang mag-apply bilang receptionist kaso hindi ako tinanggap ng kompanyang una kong pinuntahan at pinag-applyan. "Uh, basta! Uuwi ako diyan. Bahala ang kuya mo dito. Eh, ikaw anong ginagawa mo ngayon??" "Naghahanap ng trabaho. Nakakainis nga, eh! Nag-apply akong receptionist sa hotel kanina 'di ako tinanggap," maktol ko na parang bata. Maayos naman ang lahat ng credentials ko. Kaya bakit hindi parin ako natanggap? "Seriously, Rewane? Receptionist?" hindi makapaniwalang usal niya. "Noong nakaraang buwan ay nag-apply kang sales lady at ngayon naman receptionist? Ano nalang ba ang trabahong hindi mo napapasukan? Naging chamber maid, waitress, cashier at hotel keeper ka na rin! Naku, kapag nalaman talaga ng mga Kuya at Papa mo 'yang pinaggagawa mo ay ikukulong ka nalang talaga nila sa Hacienda." Napasimangot naman ako sa sinabi ni Nissa. Alam ko naman iyon, eh. Pero gusto ko din namang maranasan ang simpleng buhay. Hindi 'yong buhay prinsesa nalang palagi. Nag-e-enjoy naman ako sa mga pinaggagawa ko. Ito na ngalang ang pinagkakaabalahan ko sa ngayon lalo na't banned ako sa activity na may kinalaman sa horse training ngayong taon dahil muntik na akong mapahamak at dahil overprotective si Dad ay ayaw na akong pagtrabahuhin sa rancho. "Hindi nila ito malalaman. Ako pa-----Oh gosh, ang resume ko!" impit na tili ko nang biglang umihip ang malakas na hangin at nilipad ang resume na nakalapag sa ibabaw ng folder. Kaagad na pinatay ko naman ang tawag dahil sa sobrang pagkabigla. Napatakbo ako upang habulin ang resume kong nilipad. Nakahinga naman ako nang maluwag ng makitang lumapag ito sa hindi basang parte nang kalsada na siyang malapit lang sa kinaroroonan ko. "Oh my gosh! Hindi!" impit na tili ko at halos maglumpasay ako sa sobrang inis nang makitang naapakan ng gulong ng kotse ang resume ko. Hindi puwede ito! Ano nang gagawin ko? Tutungo pa ako sa susunod na Hotel na pag-aaplyan ko! Kainis naman, eh! Ang malas ko naman ngayon. Lumapit ako sa gulong ng kotseng umapak sa resume ko. Yumuko ako at parang maiiyak na ako nang makitang lukot-lukot na ito. Gusto kong maglumpasay sa sobrang inis nang dahil sa kinahinatnan nito ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Nanlaki naman ang mga mata ko nang biglang bumukas ang pinto nang sasakyan at tumama ito sa ilong ko. Sobrang lakas ng impact nang pagkakatama nito sa akin. Pakiramdam ko hinampas ako ng baseball bat nang pagkalakas-lakas hanggang sa may mga stars na umiikot-ikot sa ibabaw ng ulo ko. And the next thing I know bumagsak ang katawan ko. And everything went black... ___________________________________ AENESS "Uh, s**t!" impit na mura ko nang makitang may natamaan akong tao pagkabukas ko ng pinto ng sasakyan. Ang tanga naman kasi! Anong ginagawa niya dito sa gilid ng kotse at doon pa mismo sa harapan ng pintuan nagbalak umupo. "Woah!" gulat na bulalas ni Bax na kalalabas lang sa driver's seat. "Anong nangyari diyan?" Inis na sumimangot nalang ako at tinitigan ang babaeng walang malay na nakahandusay ngayon sa harap ko. "I don't know." I shrugged my shoulders. "Ang tanga naman kasi, eh." Lumapit naman sa akin ang pinsan ko at mataman niyang tinitigan ang babae.. "Buhatin mo, Bro! Dalhin natin sa condo mo. Walang malay, oh!" Kumunot naman ang noo ko nang dahil sa sinabi niya. Ako? Inuutusan niya nang ganito? Eh, malay ko naman dito. Hindi ko naman kasalanan ang nangyari. "Bakit ako? Bakit 'di nalang ikaw?" Napakamot naman sa ulo niya si Bax na parang hindi makapaniwalang nasabi ko ang ganoong bagay. "Natural!" he exclaimed. "Ikaw kaya 'yong may kasalanan at hindi ako. Buhatin mo na. Bilis!" Tinignan ko naman siya nang masama. Pinandilatan lang niya ako. I sighed in defeat. Inis na yumuko ako at binuhat ang babaeng nasa harapan ko. Nahawi ang buhok na nakatabing sa mukha nito kanina dahil sa pagkakabuhat ko. Dumako ang tingin ko sa kanyang mukha and I stopped midway. Wait! This girl look familiar. Inisip kong mabuti kung saan ko nga ba siya nakita hanggang sa may maalala ako. What the hell! Siya 'tong tangang crew na inutusan ko noon sa birthday party ni Eira Tazzle Montenegro. Hinding-hindi ko makakalimutan ang babaeng ito. She was the one who caught my attention among the visitors and crews in the party. She's only wearing a simple jean and white t-shirt but her face is lethal that takes my breath away that's why I approach her pero mukhang sadyang tanga nga yata ang babaeng ito. Napapailing nalang ako. No wonder why did this happened to her. She's really a dumb girl. Tinitigan ko ulit ang kanyang mukha. Fair white skin, pointed nose and rosy cheeks. She's really a beauty eventhough she's just a normal girl. There's nothing really special about her.Bumaba naman agad ang tingin ko sa labi niya..I swallowed the lump in my throat. s**t! I'm not a p*****t! But why do I feel like kissing her red glossy lips? Like I wanted a taste of it? Snap it out, Aeness! You are getting married! "Aeness, Bro, are you okay?" Bax asked when he saw me spacing out. I sighed and nod. "Yes. Tara na." I said and walked towards the condominium building. ___________________________________ ? REWANE ? Naalimpungatan ako nang maramdaman ang ginaw na nanunuot sa balat ko. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at bahagyang iginala ang aking paningin sa buong paligid. Kumunot ang noo ko sa hindi pamilyar na kwartong kinaroroonan ko. I started to panic. What the hell happened to me? Bakit ako nandito? Na-kidnap ba ako? Pero hindi! Ang huling naaalala ko ay ang resume kong naapakan ng gulong ng kotse at pagkatapos ay tumama sa akin ang pinto ng kotse nang biglang bumukas ito. Mas lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. "Finally, you are already awake!" bulalas ng lalaking bumukas ng pinto. He plastered a smirk before entering the room. Nanlaki ang aking mga mata nang makilala kung sino ito. OMG! Siya 'yong lalaking pinagkamalan akong crew sa party ni Tazzle. 'Yong lalaking arogante at walang modo! "A-anong nangyari? Bakit..bakit ako nandito??" He just shrugged and walk towards his closet. My eyes grew even wider when he started to unbutton his shirt. I unconsciously hug myself in the process. Wait a minute, kapeng mainit! Don't tell me this guy is a r****t and he's planning to r**e me.This hot and ruggedly handsome man who's every woman's dream! Okay, enough with this. Ako lang yata 'yong ma-ra-r**e na hinahangaan ang r****t nito. "Ba..bakit ka naghuhubad ha?!" I tried to hide the nervousness in my voice. Natigilan naman ito at lumingon sa gawi ko. I swallowed hard when his paled blue eyes meet mine. Uh! That's the favorite eye color I'm dying for to stare at. "Obviously dahil maliligo ako at kwarto ko ito, Miss!" he said arrogantly. Aba't ang kapal talaga ng mukha! Hindi manlang ba siya marunong mahiya at sa harap ko pa talaga naisipan niyang maghubad. "Hello po! Babae po 'tong kasama mo!" Note the sarcasm on my voice. Tumaas naman ang kilay nito. Sungit talaga. "Babae ka ba?" he asked sarcastically. "Akala ko kasi lalaki, eh. Hindi naman kasi halata." "And what do you mean by that?!" mataray na tanong ko. Ngumisi naman ito at bumaba ang tingin nito sa dibdib ko. Itinapik ko naman ang mga braso ko sa dibdib ko. "Totally Flat," he said mischiveously. Nanlaki naman ang mga mata ko. "Ang bastos mo!" Tumawa naman ito sa sinabi ko. I never felt humiliated that way in my whole life! Alam ko naman na flat chested ako! But does it really matter?! Napalunok nalang ako nang tuluyang mahubad ang damit nito at itinapon lang kung saan. Pakiramdam ko lalagnatin ako sa araw na ito. Hindi lang naman ako ngayon nakakita nang isang hubad na likod ng lalaki but why does it feel that this was my first time? Bakit ang sexy ng likod nito? Firm and so masculine. Likod palang ulam na! Ano nalang kaya kapag humarap pa siya, diba? At mukhang narinig naman yata ni Lord ang sinabi ko dahil biglang siyang humarap sa akin. My jaw literally drop when I saw his eight pack abs.. Oo as in eight talaga hindi six! "I know I'm hot but please don't make it so obvious.." Itinikom ko naman ang bibig ko at namula ang pisngi ko dahil sa sobrang hiya.Okay na sana, eh. He's a complete package minus the attitude. Ang sarap talagang kurutin at kagatin ng abs niya... I mean siya! Nakakainis!Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya habang naglalakad ito patungong banyo.Rewane, stop that! My boyfriend ka na! Huwag kang magkasala! Pipihitin na sana nito ang pinto nang sandaling natigilan ito na para bang may naalala... Lumingon siya sa direksyon ko at nahigit ko ang aking hininga.Bakit kasi sobrang gwapo niya? "May pagkain doon sa labas. Eat first before you leave." Iyong lang ang sinabi niya bago tuluyang pumasok sa loob habang naiwan naman akong tulala.Did I heard it right?! Seriously?! May kabaitang tinatago din pala ang lalaking 'yon. Naagaw naman ang atensyon ko nang marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Kinapa ko ang bulsa ko at agad na kinuha ito. Nanlaki ang mata ko nang makita ang caller. Kaagad na sinagot ko naman ang tawag. "Hello, Mattew," I said almost in panic. Matthew is my boyfriend. Nagkakilala kami sa 'di sinasadyang pagkakataon. Kumakanta kasi ako sa isang bar noon, extra-extra lang, dahil pangarap ko talagang maging isang sikat na singer pero hindi puwede dahil hindi ako pinayagan ni Papa. At tamang-tama naman dahil may banda pala itong si Mattew at pinili niya ako bilang pamalit sa vocalist nilang babae. Pumayag naman ako at hindi nagtagal ay nagkapalagayan kami ng loob. "Nasaan ka na?! Alam mong ngayon ang audition natin sa Star Records. Thirty minutes nalang at magsisimula na." Nanlaki naman ang mata ko nang dahil sa sinabi niya. Oh my gosh! Anong oras na ba? I watched the time on my phone. Tatlong oras akong nakatulog?! "Uh, ano kasi....nagkaroon lang nang problema pero huwag kang mag-alala at papunta na ako diyan." "Dalian mo!" I can sense the irritation in his voice. "Pasensya na talaga. Don't worry, pupunta agad ako diyan. Makakaabot pa ako sa audition." I ended the call. Nagmamadaling tumayo ako mula sa pagkakahiga. Sandaling sinulyapan ko ang banyong pinasukan ng lalaki. Bahala na nga! Hindi nalang ako magpapaalam. PINAGHALONG kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon. Huminga ako nang malalim ng magsalita ang isang judge. "Okay, you can start now," the guy in the middle said. Ito na 'yong pinakahihintay ko. This will serve as a first step to achieve my goals. Tinignan ko naman ang mga kabanda ko. I smiled to them and nod. Matthew gave me an encouraging smile and I felt at ease because of that. Sandaling napapikit ako nang magsimulang tumugtog ang kantang pinili namin. I started to sing and feel the music with all my heart. I feel the music and gave my all just like how we practice. Hindi ako nag- alinlangan sa maaaring mangyari. Bahala na kung magalit man sa akin si Dad. Mas lalong nadagdagan ang kabang nararamdaman ko nang may isang babaeng lumapit sa judge na nasa gitna at bumulong habang nakatingin sa akin. Please, not now. Alam na alam ko ang eksenang ito. Hindi lang isang beses na nangyari ito. Ipinagpatuloy ko parin ang pagkanta. I'm still hoping na sana hindi mangyari ang iniisip ko. Na sana mali lang ang hinala ko dahil kapag tama ako hindi ko na alam ang gagawin ko. I tried so hard to achieve this at kung hindi pa rin..... Mariing napapikit ako ng matapos ang kantang kinakanta ko. Nag-angat ako ng tingin at kahit binabalot na ng kutob ang dibdib ko pilit parin akong umaasa. Umani ang masigabong palakpakan sa loob ng venue. Pumalakpak din ang dalawang Judge sa performance namin ngunit hindi 'yong lalaking nasa gitna na binulungan ng babae kanina. Unti-unting bumagsak ang pag-asa ko dahil doon. Nagsilapitan naman ang mga kasamahan ko sa akin at nagkatinginan kami. Ngumiti sa akin si Matthew at hinawakan niya ang kamay ko. Kinakabahan ako. Ilang recording company na ba ang nasubukan naming puntahan ngunit hindi parin kami natatanggap, sobrang dami na. At iisa lang naman ang paulit-ulit na dahilan ng mga ito.... I sighed. I don't want to hear that again. "You're really good," the guy in the middle said. "Natatamaan mo parati ang tamang nota. You have a really unique voice that makes you stand out. Malaki ang potensiyal mo, hija.. At alam kong maghihinayang ang sino man kung hindi ka makakapasok. But I have one question for you....." Nagpakawala ito nang malalim na buntong hininga at mariing tinitigan ako. I closed my eyes. Preparing myself to hear the expected and similiar question he will throw at me right now. "Your name here is Rewane Bresies Montenegro, right?" I opened my eyes and answer his question straight to the eye. "Yes." Sumeryoso and anyo nito dahil sa sagot ko. And right there, I heard the question that will shattered my hope into pieces. "Are you one of the Montenegro Heirs?" It's over. This will be the end of us. Kahit na anong pilit ko, hinding-hindi ko talaga maaabot ito. And for nth time, I answered again the exact words I uttered if they will asked me this question. "Yes, Sir. I'm the only daughter of Mr. Nicholas Alvaro Montenegro." I heard everyone gasped except for my bandmate. At nagsisimula naring magbulong-bulungan ang iba. "You know very well how powerful and influential your clan are, right, hija?" mariing tanong nito. Mariing ipinikit ko ang mga mata ko bago tumango. Nagpakawala naman ito nang malalim na buntong hininga. "We're very sorry, hija. Even if we really wanted to take you as part of our company, we can't take the risk. Mariing ipinagbabawal sa inyo na ma exposed sa showbusiness. I hope you'll understand. It would be better if you talk this with your family." Tinignan nito isa-isa ang mga miyembro ng banda. "Thank you for your time." I can only felt sorry for myself and for my bandmates. It's really over. Just because I'm an Heiress. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD