WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 63 TIWALA KATE MALIA’S POINT OF VIEW. NAGPAKAMATAY SI Daniel, iyon ang final na investigation sa pagkamatay ng kaibigan ko. Pumayag din ang mga magulang ni Daniel na ma-otopsy ang kanyang katawan upang malaman kung ano talaga ang dahilan ng pagkamatay niya. At doon nakita na uminom ng maraming mga gamot si Daniel at sinaksak niya rin ang kanyang sarili. Walang suspect… ginawa niya iyon sa sarili niya. Nang malaman ko iyon ay hindi ko na naman mapigilan na napaiyak at sinisisi ko na naman ang sarili ko sa mga nangyari. Alam ko na may malaking impact ang nangyari sa kanyang kompanya, at ang pag pull out ni Apollo sa kanyang investment sa negosyo ni Daniel. Ayoko naman na sisihin si Apollo sa nangyari kay Daniel dahil hindi naman kagustuhan ni Apollo

