WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 23 PILIPINAS KATE MALIA’S POINT OF VIEW. NASA PILIPINAS na ako. Nakauwi na talaga kami ni Ryle ngayon. Kalalapag lang ng eroplano na sinasakyan namin ng aking anak at nandito pa kami ngayon sa airport. Agad ko na nakita si Dad na nag-aabang sa amin sa may waiting area. Napangiti ako sa kanya at bahagya akong kumaway upang makita kami ni Daddy. Nasa stroller ngayon nakasakay si Ryle dahil pagod pa ang katawan ko para buhatin siya at marami akong dala na gamit ngayon. Agad akong lumapit kay Dad at ng magkalapit kaming dalawa ay nagyakapan kami. “I missed you, Dad!” sabi ko kay Dad ng mayakap ko siya. “Namiss din kita, anak! Kumusta ka na?” nakangiti na sabi sa akin ni Daddy. Lumapit din siya kay Ryle at akmang bubuhatin niya ito ng biglang umiyak

