WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 44 THE TRUTH KATE MALIA’S POINT OF VIEW. “TELL ME the truth, Kate Malia Miller… is Ryle my son? Sagot!” Kita ko sa mukha ni Apollo ngayon ang galit. Parang handa na niya akong pagbuhatan ng kamay ngayon sa sobrang galit na kanyang nararamdaman. Naiiyak na ako ngayon at ang lakas na rin ng pagtibok ng aking puso ngayon. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Na-speechless ako bigla. “Answer me, Kate Malia!” sigaw na sabi ni Apollo habang nanlilisik pa rin ang kanyang mga mata. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso ngayon at ramdam na ramdam ko na ang sakit ng pagkakahawak niya. “A-Apollo…” mahina kong sabi sa kanya. “Anong nangyayari dito?!” narinig ko ang boses ni Mommy kaya napatingin ako sa may hagdan. Nakita ko siya na pababa

