WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 59 DRUNK KATE MALIA’S POINT OF VIEW. INIWAN AKO ni Apollo sa loob ng kanyang opisina. Pinuntahan na lang ako ng kanyang secretary upang sabihin na umalis na si Apollo dahil may importante itong pupuntahan. Pero alam ko na iniiwasan niya lang talaga ako. Pinahatid niya ako ngayon sa kanyang driver. Bumalik ako sa bahay ng aking mga magulang dahil kukunin ko si Ryle. Gustuhin ko man na puntahan ngayon si Daniel, pero kailangan ko na talagang sunduin ang anak ko. Habang nasa loob kami ng sasakyan ay tahimik lang ako ngayon habang iniisip ko ang pag-uusap namin ni Apollo kanina. “Mommy, where’s Daddy? Nasa house na ba siya?” tanong sa akin ni Ryle habang kasama ko siya rito ngayon sa loob ng kotse. Tinignan ko si Ryle at nginitian ko siya bago ko

