WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 31 ENEMIES KATE MALIA’S POINT OF VIEW. “PAG-UUSAPAN DIN natin ang honeymoon niyo ni Kate na mangyayari na bukas!” Nagulat ako ng sabihin iyon ni Mommy. Napatingin ako sa mga magulang ni Apollo at seryoso pa rin ang mukha nila na para bang wala silang pakialam sa nangyayari, at kung ano ang desisyon ni Mommy ay susundin lang nila. Hindi ba sila mag oobject ngayon? Nakikita naman ngayon kung ano lang ang gusto ni Mommy kahit na pinipilit niya lang ang sarili niya na makisama ngayon sa mga Miller. “M-Mom, nandito po ako ngayon para makipag divorce.” Lahat sila ay napatingin sa akin na may gulat sa mukha. Pati ang mga magulang ni Apollo na seryoso lang ang ekspresyon sa mukha ay napalitan ng isang pagkagulat sa mukha ang mga ekspresyon ng sabihin

