WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 37 MINE KATE MALIA’S POINT OF VIEW. HINDI KO talaga mapigilan na makaramdam ng takot at labis na pag-aalala sa nangyari kay Apollo. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapaiyak ng dahil sa takot sa aking nakita na pagkabangga ng sasakyan ni Apollo lalo na nung nakita ko na akay-akay siya ng mga medic at duguan ang kanyang ulo. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa nakita ko sa kanya. Kaya hindi ko na talaga mapigilan na napaiyak. At ngayon ay kumalma na rin naman ako. Ginagamot na ngayon si Apollo dito sa may tent niya. Paulit-ulit niya namang sinabi sa akin na okay na siya at nakikita ko naman ito sa kanyang mukha kaya kuntento na ako. “Aldrich!” Natigilan na lang ako ng may biglang bumukas ng pinto sa may tent ni Apollo at pumasok

