WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 12 PANINDIGAN KATE MALIA’S POINT OF VIEW. NAKAPAG DESISYON na ang pamilya ko. Itatago nila ang pagbubuntis ko hanggang sa makapanganak ako. Ang gagawin nilang alibi ay kailangan ko munang mag aral ng master’s sa ibang bansa kaya ako aalis ng Pilipinas. Bago ako pumunta sa ibang bansa ay nakipagkita ako sa aking kaibigan na si Gabriel at kasama niya ngayon si Lucianna. Nalaman ko kasi kay Gabriel na nag-away sila ni Lucianna ng dahil sa akin. Tinawagan ko si Gabriel ng malaman ko na buntis ako at dahil siya lang ang kaibigan ko, wala akong ibang mapagsabihan kundi siya lang. Hindi ko naman kasi aakalain na sila na pala. Nakita rin ako ni Lucianna sa may hospital na lumabas sa may OB kaya alam niya na talagang buntis ako. “Buntis ka nga…” hindi ma

