WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 68 THE PROTECTOR KATE MALIA’S POINT OF VIEW. BINIGYAN AKO ni Apollo ng assurance na ako lang ang mahal niya at hindi ko na kailangan pang mag overthink tungkol sa ibang babae, lalo na doon kay Camille na laging lumalapit sa kanya. Masaya na ako doon at kampante na rin ako dahil alam ko na ako lang ang mahal ni Apollo. “So, nag aminan na talaga kayong dalawa?” tanong sa akin ni Gabriel. Nandito ulit ako sa kanyang office sa campus nila upang makipag-usap sa aking kaibigan. Matagal ko na rin kasing hindi nakakausap si Gabriel at kailangan niyang malaman ang tungkol dito kaya ko siya pinuntahan dito sa kanyang office ngayon. Wala rin naman siyang class ngayon kaya free siya ngayon na araw at nandito lang siya sa kanyang office at nag fa-finalize la

