WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 82 MATURE TALK KATE MALIA’S POINT OF VIEW. MAY HINALA na ako kung bakit nagpakalasing si Apollo. Ganito din siya noong may hindi kami pagkakaunawaan dalawa, naglasing din siya. Noong nalasing siya ay iyong bruha kong kapatid ang kasama niya, ngayon naman ay iyong babae na si Camille na pinagseselosan ko. Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto ng kwarto namin. May dala akong maligamgam na tubig ngayon upang mainom ni Apollo. Nang mabuksan ko ang pinto ng kwarto namin, agad ko siyang nakita na nakaupo sa may gilid ng kama habang nakayuko. Nag angat siya ng tingin sa akin ng maramdaman niya ang pagpasok ko. Mukhang hindi na siya lasing ngayon dahil hindi na namumungay ang kanyang mga mata at seryoso na rin ang ekspresyon sa kanyang mukha ng

