WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 73 PAGHIHINALA KATE MALIA’S POINT OF VIEW. MATAGAL NA ba akong kilala ni Apollo? Bakit ako nakakaramdam ng kaba? Bakit ako nakakaramdam ng takot sa sarili kong asawa? “Kate.” Bahagya akong napatalon sa gulat ng marinig ko ang boses ni Apollo. Hindi ko namalayan na nakauwi na pala siya ngayon. Kapapasok niya lang sa loob ng bahay namin. Nandito ako ngayon sa may living room ng bahay namin habang tulala. Katatapos ko lang na maglinis ng bahay, pati na rin sa opisina niya. “A-Apollo… nandito ka na pala,” nauutal kong sabi sa kanya. Nakita ko ang pag kunot sa kanyang noo ngayon. Sana ay hindi niya napansin na nakaramdam ako ng kaba ngayon. Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako ng mabilis sa aking labi. Napaupo siya sa aking tabi ngayon at s

