Hindi na nila inabutan si Jayden sa loob ng sasakyan. Pag dating nila Ciela sa bahay ni Mateo ay nasa loob na si Jayden. Andoon na rin ang decuple. “Huwag niyong papapasukin ang mga babae.” Sambit ni Jace kay Ace, Paye at Alpheus. Sumunod si Jace at Clement sa loob at dumiretso kay Alleia saka ito kinalagan. “Nasaan si Jayden?” Tanong ni Clement kay Alleia na halos mawalan na ng malay. “Nandito!” Sigaw ng isang miyembro ng decuple kaya mabilis na umakyat si Jace at Clement. Pag karating nila sa taas ay napahinto sila. Wala ni isa sakanila ang sumubok lumapit kay Mateo at Jayden. Hindi dahil ayaw nilang tulungan o awatin ang dalawa, kundi dahil hindi sila makalapit. Sinusubukan ni Nathan at Ezekiel na alisin ang electronic barrier na nakapaikot kay Jayden at Mateo. Kitang kita ni

