2-2

2850 Words
DASHIEL Days turned weeks. Months gone into years. When I lost her, my whole world turned upside down. It was the most horrible feeling in the world, but life must go on... even without her. That night, it was Lambert who was there in my flat. Madilim ang mukha nito at kamao niya ang sumalubong sa akin. Ayon sa kanya ay susunduin niya si Ian pero iba ang nangyari. Galit na galit si Lambert at halos magpatayan kaming dalawa. Hindi ko akalain na pinasusubaybayan niya pala ako sa isang Private Investigator magmula nang makalipat ako sa unit ko. Bukod sa kopya ng sonogram ay mas ginulat ako ng video namin ni Lia sa parking lot. Sinabi niya na naroroon siya nang araw na iyon dahil magkikita sila ng PI na inutusan niya. Siya mismo ang kumuha ng video bilang katunayan diumano sa panlolokong ginagawa ko sa kapatid niya. Hindi ko ininda ang sakit ng katawan nang gabing iyon dahil iisa lang nasa isip ko noon. Ang hanapin si Ian at makapagpaliwanag sa kanya. Halos paliparin ko ang sasakyan pauwi ng Rosario, umaasang magkaharap kami. Pero huli na ang lahat dahil hindi ko na siya naabutan nang makarating ako sa villa. Ni hindi ko lubos maisip na mayroon silang relasyon ng driver niya. Si Lambert mismo ang nagkumpirma tungkol sa bagay na iyon. I felt betrayed. Galit siya, galit din ako. From that day on, I was f****d up. My life was not the same at all. It was Lia's arms that brought me back to the present. She hugged me from behind as she leaned her body closer to mine. I let out a deep sigh and swirled the wine in my glass before sipping on it. "Honey, what keeps you awake?" she asked. Her hands were running from my chest down to my toned abs. "Just thinking about something." Sagot ko at muling nagpakawala ng buntong–hininga. Kinuha niya ang baso mula sa kamay ko at inilapag sa side table. She's now in front me with her arms clung on my neck. I could smell her signature shower gel... strong and sexy. But it was no match to Ian's gentle, mild natural scent. It had been so long since I held her in my arms, yet I could still remember how she smell, taste, and how she writhe and moan under my skin. And that was unfair. I am consumed in my bubble of thoughts about Corinthian. I f*****g missed her and it still hurts like hell whenever she visits me. In my dreams, in daydreams, at work, or even in my shower. No matter how much I bury our past still I couldn’t. A poignant story of us. "Something or someone?" Lia interrupted. "What do you mean?" balik tanong ko sa kanya. I held her by the waist and pulled her closer to me. She arched one brow and eyed me with uncertainty. "You miss her?" There she goes again with all her insecurities. Nagkaanak na kami at mas madalas ko na siyang kasama ay naroroon pa rin ang matinding panibugho niya para kay Ian. She would never be contented. "No." I lied and silently mutter a curse. Hindi ko gustong humaba pa ang diskusyon tungkol sa bagay na ito. We’re mature enough and talking about Ian would do no good for both of us. Marahas na bumuga ng hangin si Emilia at tinitigan ako. The pain and hatred in her eyes was raw. After all those years she was still the same Lia I knew. Kung may nagbago man ay nadagdagan ang maturity niya kung pisikal na anyo ang basehan. Ang tanging konsolasyon ko lamang ay ang pagkakaroon namin ng anak. "I won't ask again... but can we sleep now? I miss you, honey. Make love to me," anas niya. She started kissing me wildly. Emilia was an expert when it comes to bed. She could make a bloody saint man scream for more and I was just a man... in heat. A man with needs and here she was indulging herself to me. I gave in to her invitation. Before I knew it, we fell asleep next to each other. “Daddy wake up!” said my baby girl. Pilit kong iminulat ang aking mga mata. Ilang oras lang ang naging tulog ko dahil hindi isang beses na umungot si Lia nang nagdaang gabi. She's a voracious one. "Good morning, princess," namamaos na sabi ko. Naramdaman ko ang paglundo ng kama nang umakyat si Katniss. Mabilis at paulit-ulit itong lumundag. She's really a sweetheart though sometimes she have this attitude like her mom. Stubborness, caprices and whims. Huminto siya sa paglundag at naupo sa likod ko. "It's not morning anymore, daddy. The clock says two fifteen pm." She drawled slowly. I couldn't reverse my position because I'm still on my birth suit. Lihim akong natawa dahil animo matanda na siya kung magsalita. At the age of four, she knows how to read, and write her name too. Alam na rin niya tumingin ng oras lalo at digital naman ang kanyang Barbie wristwatch. "Okay, princess. Daddy will get up now, only if you give me a kiss." "Okay." She said and kissed me on the cheek. "Mommy said you have to eat now and wowa is looking for you too." Pahabol niya. Sukat sa narinig ay nagsalubong ang mga kilay ko. Akala ko ay nasa Rosario pa ang Mama sa mga panahong ito. It's been two weeks since we got back here. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip kung bakit naririto siya ngayon. Bumalik lang ang atensyon ko sa bata nang sumala ang paa nito sa edge ng kama. "Careful, sweetheart. You might get hurt," masuyong saway ko kay Katniss. "Yep, daddy!" sagot niya pero wala pa rin tigil sa paglundag. Maikli akong natawa bago tumagilid at tinitigan siya. She loves playing in the trampoline and other outdoor activities, too. She's really a wonderful sight. Nang sa wakas ay tuluyan na siyang tumigil ay sabay na nagpaalam na rin para lumabas. Mabilisan ang ginawa kong pagligo para harapin ang Mama. Isang gray shirt at cordoroy shorts ang isinuot ko bago tuluyan nang lumabas ng kwarto. Sa kusina ay naabutan ko sila ni Emilia. They were having an afternoon tea session. Tinanguan niya ang huli kaya mabilis na nag–excuse naman ito. Emilia gave me a smooched then turned to go. "Hey, mom," bati ko. She smiled but it didn't reached her eyes. "Something came up?" Hinila ko ang katabing silya kung saan siya nakaupo. She held my hand and sigh. Halata ang pagod sa kanyang mukha. I guess it was because of the long hours of travel. Hindi na siya sanay sa pagba–biyahe kaya nga ipinagbawal na iyon ng kanyang doktor. Sadya lang mapilit ito kung madalas kaya hindi rin mapigilan. Tulad na lang ngayon. "Hijo, alam mo ba kung nasaan ang Kuya Lambert mo?" kapagdaka ay tanong nito. Kumunot ang noo ko nang marinig iyon. Ang huling pagkikita namin ni Lambert ay noong libing ni Don Manolo. That was five months ago and we didn't talk anymore. Malalim ang naging lamat ng pagkakagalit namin. Halu–halo ang mga pinanggalingan ng galit niya at hindi niya matanggap na magkapatid kaming dalawa. Wala naman akong magagawa kung hindi pa ito handang patawarin ako. "I bet he was enjoying his life with Abby. Maybe they were having good time some other parts of the world." Simpleng sagot ko at nagkibit–balikat. Humigpit ang kapit niya sa kamay ko. Hindi nakalampas sa paningin ko ang namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata. Higit sa lahat siya ang nahihirapan sa sitwasyon namin. I know that she was still mourning about her late husband. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan magiging magulo ang sitwasyon namin bilang pamilya. "When will the two of you reconcile? I'm not getting any younger, son. Ilang panahon na lang ay susunod na ako sa Papa niyo." She said painfully. Tumulo ang luha nito. I handed mom a Kleenex and she got a piece of it. Lumapit ako sa kanya upang mayakap siya. Hindi man ito ang kinalakhan kong ina ay alam kong walang katumbas ang pagmamahal na inialay niya kay Ian. Doon pa lang ay tunay na siyang nakabawi sa lahat ng panahon na hindi niya ako nakasama. She pulled out from my hold and stared at me with gloomy eyes. "Don't speak like that. Don't worry uutusan ko ang pinakamahusay na imbestigador para ipahanap si Lambert." I assured her. "I'm counting on you, anak." She said and wiped her tears. "How about Corinthian? Don't you have any plans searching for her? I missed my daughter so much.” Umiling-iling ito saka pinigil ang muling pagbuhos ng luha. “Gusto kong bago ako mawala ay magkapatawaran na kayo. Alam ko kung gaano ka nasaktan ng mawala siya sa'yo pero sana ay buksan mo muli ang puso mo para magpatawad." I smiled drily. Tuwing naririnig ko ang pangalan niya ay nilalamon ako ng magkahalong lungkot at galit. Malapot ang magkahalong emosyon at hindi ko alam kung hanggang saan ko dadalhin ito. "I never stopped looking for her. Pero paano ko makikita ang taong pilit na itinatago ang sarili niya? Kahit si Sebastian Delgado nga ay hindi malaman kung saan siya hahanapin." Naiiling na sambit ko. "I mean it, Dashiel. I want my daughter back. Five years was enough for grief and seeing her again would bring back the happiness in my life." She lamented. I shut my eyes, breathe out, then opened it again. I could hear so much agony in her every weep. Ayoko man pero apektado ako. "I'll try. I will try, Mom." Napipilitang sambit ko. She sniffed and held my hands for the last time. "Don't try, son. Do it. Do it for our family.” She demanded. Finality was in her voice like a commander-in-chief. Wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang. Lihim akong napamura dahil sa labis na frustration na unti-unting sumasaklaw sa akin. Saang lupalop ng mundo ko pa hahanapin ang babaeng iyon? ________ CORINTHIAN "Why can't I touch the clouds?" I heard Mayumi said. Naalimpungatan ako nang marinig ko ang boses niya. Iminulat ko ng bahagya ang isang mata at ipinikit lang muli. We were on a trip bound to Manila. Mula sa Cebu ay sumakay kami gamit ang private plane ng isa sa mga kaibigan ni Kuya Lambert. I met Mr. Mikael Davis online. Kaya nga ito nakalibre kami ng ticket at napadali ang pagbalik namin sa Manila. "Because it was way too high, baby girl." A soothing voice of a woman resonated in my ears. I slept the whole trip and dreamt about Dashiel again. The only moment where I could spend quality time with him was in my figment of imagination and in my wild dreams. Ayoko pa talagang imulat ang mga mata ko dahil umaasang muli ay matutuloy pa ang naputol kong panaginip. Pero nang maramdaman ko ang gentle kisses at malanghap ang amoy ng baby powder ay tuluyan ko nang iminulat ang aking mga mata. Disoriented, I looked around me. In my sleep-hazed mind, I saw my daughter sitting beside Mandy. On her hand was her favorite doll, Annsherina. It was a gift from his Uncle Teroy when she turned four. "Hi, munchkin," I uttered and hugged her. "Mommy, di ko daw po pwede touch ang clouds." She said and pouted her pinkish lips. Napansin ko na naka–fasten ang seatbelt nila pareho. Narinig ko ang sinabi ng pilot na ilang minuto na lang at lalapag na ang eroplano. Automatic na napadungaw ako sa porthole ng eroplano at bahagyang napangiti. Ngayon lang kasi ulit ako nakasakay sa eroplano pagkatapos ng mahabang panahon. "You need to fasten your seatbelt, ma'am," the cabin crew said and gave me a friendly smile. I fumbled for my seatbelt and snapped it. My eyes then shifted to the beautiful woman standing in front of us. "Hello there, Mrs. Davis. Thanks for accommodating us." I sincerely said. She smiled awkwardly. Suddenly she looked uneasy upon hearing the way I addressed her. "You're welcome. I enjoyed chatting with the young lady here," she answered then turned to Yumi. "Ang ganda ng baby mo. Siguro gwapo ang daddy niya 'no?" she added and I just nodded. Daddy.... Daddy... Dashiel... Paulit-ulit na parang sirang plaka sa isip ko ang salitang iyon habang hinihintay ang tuluyang paglapag ng eroplano. Upon our arrival in the airport, it was Teroy, Abby, and Kuya Lambert who met us. Mainit na yakap ang salubong sa akin ni Kuya Lambert at si Yumi naman ay agad nagpakarga kay Aristotle. "Finally, you're back. I missed you, little sister." Sabi ni Kuya bago inilayo na ako ng bahagya. My eyes began to water but I held it back. Sa haba ng panahon ay walang nabago sa pakikitungo niya sa akin. Ako pa rin ang nakababatang kapatid para sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba ang mabuting nagawa ko sa mundo at biniyayaan ako ng mga gwapo at mababait na kapatid. I felt so blessed. "I miss you, brother. In fairness ang tatag niyo ni Abby, ha, buti napagtitiisan ka niyan?" I bantered. Kuya shrugged and shifted his gaze to Abby who was busy talking to Mandy. "Yes. Because real men have balls." Sagot niya bago muling ibinaling ang tingin sa akin. Hindi na ako sumagot pa. Kuha ko naman kung ano ang ipinupunto niya. Base sa paraan ng pagkakasabi niya ay alam kong malaki ang galit niya kay Dashiel na tunay niyang kapatid. I'm sad for their family. Sa isang two–storey apartment sa QC kami dumiretso. Ang sabi ni Kuya ay pansamantala lang muna kami dito. Kapag naayos na ang lahat ng documents ng bahay niya sa exclusive village sa Pasig ay doon na kami tutuloy. We were gathered in the living room having our siesta. Kuya ordered a lot of foods for us. Ang alam niya kasi ay hindi pa rin ako marunong magluto. Tumabi ako kay Yumi at nilagyan ko ng slice ng pizza ang kanyang pinggan. "Uncle, dito na po kami titira?" Yumi asked Kuya. "Yes, munchkin." Sagot ni Kuya. He gently pinched my daughter's cheek and smiled. “Do you like it here?” I asked my baby girl. "Opo." She smiled at me. “Pero mami-miss ko pa rin ‘yung dagat doon sa atin. Wala naman kasi mapupulot na shells at crabs dito.” Bahagyang natawa si Kuya sa sinabi ni Yumi. Nangako tuloy na kapag settled na ang lahat ay ipapasyal niya ang bata sa beach. “I love beaches!” my baby hooted in joy. “Isasali po kita sa mer-party, ha, uncle.” “Sure.” Mabilis na sagot naman ni Kuya. Halatang walang ideya sa sinasabi ng pamangkin niya. Hindi ko inawat ang sarili sa pagtawa ng malakas. Kasi naman nai-imagine ko ang itsura niya kung sakaling nakasuot ito ng mermaid tail. Ang sagwa! “What?” Si kuya ulit na nakakunot ang noo nang bumaling sa akin. “Kasi naman,” tumawa ulit ako at bahagyang umiling, “hindi ko alam na pangarap mo palang maging syokoy.” Saglit na nanahimik si Kuya at saka pa lang na-realize kung ano ang tinutukoy ko. Malas lang nito kapag buntot ng sirena ang ipinasuot ni Mayumi at hindi costume ng merman. Gross! “At least, gwapo naman akong syokoy.” He boasted confidently. “Macho pa.” “Oo nga po. Gwapo naman talaga si uncle.” Segunda ni Yumi. Itinaas ko ang mga kamay bilang pagsuko. Wala, eh magkakampi na sila agad. Everything about this day was overwhelming. Hindi ko akalain na posible pa itong mangyari. Nagkwentuhan pa ang dalawa habang ako ay inabala ang sarili sa kusina. "Can I talk to you in private?" maya-maya ay tanong ni kuya. Hindi ko namalayan na nariyan na pala siya. "Sure." Tipid at mabilis na sagot ko. “Tungkol ba saan ang pag-uusapan natin?” He suggested that I'd be working in one of the branches of Abby's souvenir shop. Gayudin ang tungkol sa pag-aaral ni Mayumi. Sabi niya ay tutulungan niya ako para makapagsimula ulit. Para mas maging maayos ang buhay naming mag-ina. "I'll think about it. For now, I want to rest first." Sagot ko sa lahat ng sinabi niya. “Sure,” he said and paused for a moment. Tahimik niya akong pinagmasdan. There was sadness in his eyes or maybe it was just my imagination. Then he hugged me. A warm, affectionate embrace. And for the first time in the longest time, I felt like a Verasco princess again. Pinigilan ko ang pagtulo ng luha dahil sa totoo lang ayoko ng drama. After an hour umalis na sila ni Abby. They were living together and I am happy for them. Hindi ko nga maiwasang mainggit sa sweetness nila. Nasa loob na sila ng kotse nang ibaba ni Kuya ang bintana nito. "Uncle will be back tomorrow. Bye, munchkin." Paalam niya sa bata. "Bye, Uncle. Wabyuu!" My baby girl said then flew some flying kis
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD