Giyo’s POV Habang hinihigpitan ko ang huling turnilyo sa itaas ng pintuan, naramdaman kong sumingaw ang malakas na hangin mula sa labas. Tuluyan na ngang natapos ang ibabang bahagi ng bahay na pinapagawa ko sa ibang bayan. Maliit lang ang espasyo pero sapat na para magsilbing tahimik na hideout—walang sino mang nakakaalam nito, ni si Mia. Siya pa naman ang tipo ng taong tanong nang tanong, kaya’t mabuti na ring itago ko muna habang hindi buo ang munti kong manisyon. Hindi pa kasi oras para malaman niya ‘to. Saka na kapag sumiklab na ang malaking gulo na mangyayari. “Puwede na ‘to,” sabi ko sa sarili habang umaakyat sa hagdan para tingnan ang bintana sa second floor. Sa labas, walang kasing katahimikan—walang ingay ng sasakyan, walang usapan ng mga tao. Tamang-tama, ito ang perpektong

