Giyo’s POV Ngayong hapon din ay pumunta ako sa bahay ng pamilyang Montalban. Pagpasok ko palang sa loob, nagulat na agad ang mga kasambahay kasi nagbalik na ako. Malamang sa malamang ay narinig nila o nalaman nila ang nangyari sa amin ni Madam Ofelia. Sa sala, sakto naman na nakita ko si Mia kasama ang ibang mga kaibigan niya. Nang makita niya ako, kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Pero dahil ilang araw niya akong hindi pinapansin, gumanti ako. Nung tignan ko siya ay segundo lang. Mabuti na lang at agad nang lumitaw si Madam Ofelia. “Mabuti at narito ka na. Masaya ako na humihingi ka na ng tawad. Kaya sige, ituloy mo na ang naiwan mong trabaho,” sabi niya sa akin. Tumango naman ako at saka na naglakad papunta sa kuwarto nila ng asawa niya. Sumunod siya kasi may pag-uusapan

