Giyo’s POV Walang kapantay ang tuwa na nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang mga nilalanghap kong sariwang hangin dito sa lupang kinaroroonan ko. Sa wakas, nagsimula na rin ako sa matagal ko nang pangarap — ang makapagpatayo ng sariling malaking bahay. Matagal ko na itong iniisip, pero palihim kong isinasagawa. Walang ibang may alam, ni si Salve, ang bestfriend ko, si Mia o kahit na sino. Ako lang. Ako lang ang nakakaalam ng lahat ng plano ko sa bagong bahay na ito. Gusto kong maging sorpresa ito sa kanilang lahat. Habang pauwi na ako galing sa trabaho, hindi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko. Unti-unti kong pinaghirapan ang mga plano ko para mangyari ito. Inisa-isa ko ang mga requirements, kinausap ang mga taong gagawa ng bahay at sinigurado kong bawat detalye ay naaa

