CHAPTER 21: THE STORY NEVER STOPS Dahan-dahan kong inilayo si Junjun sa akin. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o baka nagbibiro lang si Junjun. "Ano?" Pinunasan nya ang luha sa mata, "Si Ate Yna po nagpaalam na po, umalis na po sya." Natigilan ako sa sinabi nya, parang ayaw parin kasi tanggapin ng buong pagkatao ko ang naririnig ko. "Umalis? Andito lang sya ah." sagot ko bago inilibot ang paningin sa paligid. "Baka nagluluto lang." pumunta ako sa kusina pero wala si Yna doon. Huminga ako ng malalim trying grasp a breath of hope. "Baka nasa kwarto," Nakatingin lang sa akin si Junjun at pinagmamasdan ang bawat kilos ko. Nagmamadali akong umakyat papunta sa kwarto ni Yna. When I reached the door, napahinto ako. Natatakot ako sa katotohanang naghihintay sa akin. Pero kailangan

