CHAPTER 50: A BEAUTIFUL LIFE Isang 24 plasma TV na nasa wall, at isang refrigerator lang ang nadatnan kong appliances sa condo na binibenta ni Marco. Ito ang dati nyang Condo bago sya nakabili nang mas malapit sa IBC. Bukod doon, may sofa naman sa receiving area at kama sa kwarto. "Okay na ito, matutulog lang naman ako dito." sagot ko bago patamad na umupo sa sofa. Masakit parin ang katawan ko. Binigyan nalang ako nang gamot for pain at nadischarged na rin ako sa hospital. Hindi pa lumalabas sa balita ang nangyari sa akin. Mas laman parin nang balita ang nagawa ko kay Gwen. Mas kumakalat parin sa social media sites kung gaano ako kasama. Kaya nga Marco secured the confidentiality of the incident between me and my father. Alam ko na hindi ito basta issue na pwede nalang kumalat. "I kn

