CHAPTER 42: BEAUTIFUL CONNECTION Napahinga ako ng malalim sa harap ng salamin. Ilang beses na ako nakapagpalit ng damit, ilang minuto narin akong nag aayos ng sarili sa harap ng salamin. I know, hindi ito gawain ng lalaki. But I guess kung alam mong haharap ka sa babaeng gustong gusto mo, walang lalaki ang gustong maging madungis sa harap ng mahal nila. Hinubad ko ang checkered long sleeve na nakatupi in three fourths at pinalitan ko ito ng plain polo t-shirt na kulay blue. Humarap ako ng salamin at napangiti. "Tandaan mo Axl, hindi tumitingin sa mukha si Yna. Natanggap ka nga nya noong si Zander ka pa." kausap ko ang sarili ko sa harap ng salamin. "Hindi naman gwapo si Andrew, so it means hindi talaga sya tumitingin sa mukha." natawa ako sa sinabi ko. Kinuha ko ang perfume ko, Hindi

