Chapter 4: Runaway

1558 Words
RUNAWAY After we checked-in, pumunta kami agad ni Dad sa VIP lounge ng airport. Since I became Axl Ledesma, lagi na akong nasa VIP lounge dahil there was this one incident na nagkagulo sa airport because of me. But now, the story is different. I am here to hide my ugly face. I'm wearing my black hooded jacket para hindi masyadong mapansin ang mukha ko. Since I got this scarred face, I always get paranoid na para bang lahat nang tao nakatingin sa akin, na parang lahat natatawa o natatakot sa mukha ko. Even my Dad, pakiramdam ko he became distant after the accident. Mabibibilang mo lang ang tao sa VIP lounge, mostly are having their coffee while reading news paper at ganun din ang ginawa ni Dad. Pero kahit mabibilang lang ang mga tao doo, I can't just sit there and grabe a news paper while having a cup of coffee. "I'll just stay here..." tumango naman ito at naglakad ako papunta sa isang lugar na mukhang exhibit area. Pero halos walang pumupunta dito, ako lang. Maliit lang ang lugar, medyo dim ang lights dito kaya mas komportable ako. May isang black baby grand piano sa gitna nito. Iba't ibang klaseng painting naman ang nakasabit sa paligid, nakahighlight lang ito isa-isa ng mga spotlight. This is small area is beautiful, I never get a chance to see this before kahit iilang beses na akong tumatambay sa VIP lounge na ito. Lumapit ako sa mga paintings, magaganda ang mga ito. Simple lang ang mga ito pero talagang makukuha ang attention mo. Nagpatuloy ako sa pagtitingin ng mga pantings na ito hanggang sa isang painting ang talagang napatitig ako. Isa itong babaeng nakatalikod, she's like a bride because she's wearing a white gown. She has long curly hair, she looks beautiful kahit na hindi ko makita ang mukha nya. I look for the name of the painter at tanging dalawang letter lang ang nakalagay. E.M. But on the opposite side, may nakasulat. "All I want to do is runaway." I don't know why the painter put those words on this beautiful piece, pero napaisip ako dito. I remember how I want to be love; to be love beyond this ugly face of mine. Bumibilis ang t***k ng puso ko dahil sa naisip ko, wala man akong eksaktong plano, but all I know is, I want to runaway. I look at my Dad na hanggang ngayon ay nagbabasa parin ng newspaper. Napatingin ako sa wrist wacth ko; 45 minutes nalang at aalis na  kami papuntang Phoenix, Arizona. But I have to run away; I want to, I really do. Kinuha ko ang wallet ko at tiningnan kung may cash ba ako at 3000 lang ang laman ng wallet ko. I have my ATM cards too at alam kong may laman pa ito. Pasimple akong naglakad papuntang comfort room. Good thing nasa pinakaloob ang inupuan ni Dad kaya hindi nya ako mapapansin. Nang makalabas ako sa VIP lounge, naglakad ako at tanging nasa isip ko lang ay gusto kong lumayo. Everything changed when I got this ugly face, so I have to runaway malayo sa mga taong akala ko totoong nagmamahal sa akin. Nang tuluyan na akong makalabas sa airport, agad akong nagpara ng Taxi. Halos kalahating oras din bago ko narating ang bahay namin. It's not just a house, it's a mansion, but never a home. It cost a million, but there's no love in it. "Ano pong kailangan nyo?" unang tanong ng guard sa akin. "Tonyo papasukin nyo ako?" halatang nagulat ito. malamang nakilala nya ang boses ko, pero mas nagulat sya dahil sa bagong mukha ng sikat na artistang amo nya. "Tititigan mo nalang ba ako?" parang robot nya akong pinapasok. I always have that kind of tone sa mga tao sa bahay kaya hindi sya magdadalawang isip kung ako ba ito o hindi. Dali-dali akong umakyat sa kwarto ko. Kinuha ko ang mga kailangan ko, damit, ibang importanten papeles sa mga properties ko, some gadgets like laptop and iPad. Kahit ano pang makita ko na kakailanganin ko ay kinuha ko and then I grabbed my keys bago tuluyang lumabas ng kwarto. Agad kong itinaas ang hood ng jacket ko. Pero nasa hagdan palang ako, may dumating, "What were you thinking?!" it's Marco. "I have to do this Marco." nilampasan ko sya pero hinila nya ako. "Ano bang nangyayari sa iyo? Naapektuhan na ba yung utak mo sa pagkaaksidente mo?" sigaw nya sa akin. "Oo! The accident changed me!" sigaw ko rin sa kanya. Inalis ko ang hood ng jacket ko. "This." turo ko sa mukha ko. "This changes everything, pero alam mo kung anong magandang nangyari? This face made me see how horrible this life is." "Kaya nga ginagawan ng paraan diba? Magpapa opera ka na nga diba?" sagot nya. "Operation won't changed the fact that my father only wants money from me; it won't changed the fact that I never had a true friend, it will never changed the fact that Gwen loves me because of face and fame." Napailing lang si Marco. "Kung magsalita ka parang hindi ka katulad ng Daddy mo na walang ibang gusto kundi ang magkapera, magpayaman at sumikat. You never had a true friend? Kasi ikaw mismo hindi ka naging totoong kaibigan. Wala kang iba ginawa kundi ipamukha sa amin na nasa taas ka at kami nasa baba and you never love Gwen anyway, pareho lang kayong naggamitan." hindi ko napigilan ang sarili ko, agad kong nasuntok si Marco. Bumaksak sya sa sahig, and with that umalis na ako. Nang makasakay sa kotse, agad ko itong pinatakbo. Dali-dali namang binuksan ni Tonyo ang gate nang makitang papalabas na ang sasakyan ko. I can't control the speed na para bang hindi ako ang nagmamaneho. Nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang galit. All my life I though everthing is well, but no! Because the truth is, all my life, I am empty. .. .. .. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagbabyahe, basta ang alam ko malayo na ako sa Manila. Pupunta ako sa Tagkawayan, Quezon may nabili akong ancestral house doon at walang nakakaalam sa property ko na yun. Just last year binili ko iyon sa isang Foreigner na babalik na ng Australia, maganda ang bahay at malayo sa maraming tao. Five times palang akong nakakapunta doon, kapag gusto ko lang mag unwind. But this time, doon muna ako titira. I changed my contact number, at kanina nang mapadaan ako sa conveniece store ay bumili ako ng makakain- good for whole month. Nagulat nga yung cashier dahil para akong nag grocery, pero kailangan ko ng pagkain sa loob ng isang buwan dahil mag-isa nalang ako ngayon. This will be the first time na mabubuhay ako sa sarili ko lang. I don't know what consequences awaits, basta ang alam ko gusto ko lang lumayo. Truth hurts nga daw, kaya hanggang ngayon nasasaktan parin ako sa mga sinabi ni Marco. Pinamukha nya sa harap ko how useless I am, at lahat ng inakalang kong maganda sa paligid ko, it's nothing but a fake mask. Now, I have to live a new life. Alone. .. .. .. .. After three weeks Itinapon ko ang nilluto kong Pork Nilaga- well it's not a pork nilaga dahil wala itong sabaw dahil mali ang pagkakaluto ko and I hate it. Tatlong linggo nang canned goods ang kinakain ko at sawa na ako. Gusto ko ng totoong pagkain pero hindi naman ako marunong magluto. Naiinis na ibinagsak ko sa lababo ang mga nagamit ko at tumalikod. This house is so big for me, gustuhin ko man ng kasambahay, hindi pwede dahil tuwing maiisip ko na matatakot sila sa akin, mas gugustuhin ko nalang ulit mag-isa. Nawalan na ako ng gana dahil sa sabalay na pagluluto kaya mas pinili kong tumambay nalang sa balcony ng bahay ko. Wala naman masyadong dumaraan dito dahil liblib ito, hindi ko nga alam sa foreigner na pinagbilhan ko nito bakit dito sya nagpatayo ng ganitong bahay. Pero pabor naman sa akin, I can freely move dahil sa walang tao sa paligid ko. Pero nagulat ako ng may isang babaeng naglalakad sa tapat ng bakuran ko kaya agad akong nagtago. Sinilip ko sya mula sa bintana, nakahawak ito sa ulo nya habang mabagal na naglalakad. She's wearing light pink shirt at isang faded blue na pants. Pero kahit simple lang ang attire nya, alam ko na hindi ito taga dito. May dala itong brown envelope at isang black shoulder bag. Naglalakad parin sya, habang ako ay tahimik paring nagmamasid sa kanya mula sa bintana. Nagulat nalang ako sa sunod na nangyari. She fall on the ground. Ito took me a minute bago dali-daling bumaba para puntahan sya. Pero muli akong nag-alangan nang nasa harap na ako ng gate. Pero lumabas parin ako, nang makita ko syang nakahiga at walang malay, hindi ko sya agad nilapitan. What if modus to? Magnanakaw? O di kaya paparazzi? May nakakaalam na kaya na nandito ako sa Quezon? Pero muli akong tumingin sa babae, I look at her face. Simple lang sya. Nawala lahat ng tumatakbo sa isip ko at lumapit sa kanya, sinipa ko muna ang kamay nya trying to wake her up pero wala talaga. Then I kneeled down and carried her inside the house.  ------------ "...But perfect love drives out fear." 1 John 4:18
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD