CHAPTER 18: GOODNIGHT KISS OR GOODBYE? Hindi ko alam kung ilang oras o minuto ang lumipas,basta ang alam ko nakaupo lang ako dito sa veranda kung saan ako naiwan. Hindi parin ako makapaniwala, someone kissed me- she kissed my scars. It was just a goodnight kiss, I know! Pero may kung anong damdamin ang parang sasabog sa puso ko. Possible bang mahal din ako ni Yna? Kapag sinabi ko bang mahal ko sya, hindi ba impossible na maibalik din nya ang pagmamahal ko? I should be happy, kasi Yna might love me sa kabila ng itsura na meron ako. Pero ang tunay na pagkatao ko bilang Axl Ledesma, kaya nya bang tanggapin? Mababaliw ako sa kakaisip. Parang talo ako sa lahat ng bagay. Kung mahal ako ni Yna bilang Zander, kailangan kong ipaalam na ako si Axl. Pero kong hindi ko sasabihin, iiwan ako ni Yna

