Chapter 2: The Destruction

1393 Words
THE DESTRUCTION Tahimik lang akong nakatambay sa loob ng sasakyan ko. Hinihintay ko si Gwen dahil nag-guest ito sa isang show. Sweet diba? Pero hindi naman talaga ako ganito, nagkataon lang na nagpapabango uli ang love team namin ni Gwen. After kasi ng issue between me and Ella, kinausap kami ng management lalo na at may nalalapit kaming movie. Habang naghihintay ako, binuhos ko ang oras ko sa kakalaro ng games sa cellphone ko. Bigla namang nagring ang phone ko. "Brad," sagot ko. It's Marco- ang partner in crime ko. "Nasan ka na? Andito na kaming lahat?" lihim akong napahinga ng malalim at napailing. May all boys party sana kami nina Marco at ng barkada. "Hindi ako pwede, I'm still waiting for Gwen." "Really bro? Sinundo mo sya?" "Kailangan eh" Mas lalo pa akong nainis sa lakas ng tawa ni Marco, "Babaero ka kasi bro," of course he knows the real story behind me and Ella. "Susunod ako, alam naman ito ni Gwen eh." yan nalang sinagot ko para tumigil na sya sa pang aasar. "Eh yun ay kung papayagan ka," pang aasar nya pa ulit. "baka isipin nya makikipagkita ka nanaman kay Ella." hindi ko alam paano ko natagalan si Marco, pero kahit ganyan yan, isa yan sa bestfriend ko. Partners in crime nga kami eh. "Basta hintayin nyo ako.." habang nagsasalita ako biglang may kumatok sa bintana ko, hindi ko makita ang mukha pero may inabot itong papel sa akin ng buksan ko ang bintana ng sasakyan. Balewalang kinuha ko ito at nagpatuloy sa pagsasalita. "Sige na.." agad kong binaba ang phone. Napatingin ako sa hawak kong isang maliit na papel. Isa itong invitation para sa butterfly show. Napailing ako, pati butterfly ngayon may show na. Muli kong binuksan ang pinto ng sasakyan at hinanap ang nagbigay nito- hindi ko alam bakit ko yun ginawa. But I saw someone, a girl whose wearing simple skinny jeans and a plain white shirt. Nakatalikod ito sa akin. Hindi ko alam bakit napatitig ako sa kanya, inaabangan ko ang mukha nya. Pero sa kakaabang ko, bigla nanamang nagring ang phone ko. Without looking at my phone, sinagot ko sya, "Sabi ko ngang susunod ako eh!" sigaw ko. "Bakit san ka pupunta?" nagulat ako sa boses ng sa kabilang linya. Agad akong napating sa caller. "Dad, sorry.. si Marco kasi." "Ano nanamang kalokohan ang gagawin nyo?" sagot agad nito. "May party lang kami sa condo ni Marco, all boys." I assured him na walang babae this time. Walang Ella. "By the way Dad, napatawag ka?" "May balita ako." mahinanong sabi nya. "What is it Dad?" "Confirm. Ikaw ang lead character sa merging ng iVision at IBC." natigilan ako sa narinig ko. Tama ba ang narinig ko? "Oh bakit di ka na nagsalita?" "Dad is that for real?" natawa ito mula sa kabilang linya. "Oo naman, pero matagal pa iyon eh. Mauuna pa ang movie ninyo ni Gwen. Kaya ayusin mo ang buhay mo Axl. Malaking break ang ibinigay sa iyo," madiin ang pagpapaalala ni Dad. Syempre, dahil pera ito, malaking pera ito. "Yes Dad." Matapos ang usapan namin ni Dad, napasigaw ako sa loob ng sasakayan dahil sa sobrang saya. Axl Ledesma the great did it again. Wala na talagang makakapigil ng pagsikat at pagyaman ko. Napatingin ako sa isang maliit na papel, hawak ko parin pala itong butterfly show na ito. "Swerte pala ito eh." inilakip ko ito sa wallet ko. HIndi nagtagal dumating din si Gwen, "Hey babe! Pasensya natagalan ha." "Okay lang." I kissed her on her cheeks. "May goodnews ako. Nakuha ako ng iVision for a lead character." nanlaki ang mata ni Gwen sa pagkagulat, "Really? Congratulations!" yumakap ito sa akin. "Thanks" sagot ko. "Pero mas mauuna naman yung movie natin eh." "Good!" sagot nito. "Next week magrerenew na tayo ng contract sa IBC." paalala nya. "and I think may bagong teleserye na iooffer sa atin, it's a remake." napangiti ako. Sabi ko na eh, wala ng pipigil ng pagsikat ko. Habang nagmamaneho ako para ihatid si Gwen sa bahay nila, naisip ko sina Marco. Kailangan kong makapunta sa party. Kailangan kong ipagmayabang sa lahat na ako ang napili ng iVision. "Ahm, babe.." kailangan kong magpaalam. "Remember the party sa condo ni Marco?" "Oo, today yun right?" "Yep, ah.. pupunta sana ako paghatid ako sa iyo." Hindi naman ako mahilig magpaalam. Actually I don't see the point bakit kailangan ng lalaki magpaalam sa girlfriend, but there's one thing na laging nasa isip ko, Hindi pwedeng mawala si Gwen sa akin. I can have everything, but I can't afford losing something. "Sure, all boys naman yun eh." "Thank you babe, you're the best!" masayang sabi ko. PARTY When I pressed the doorbell, bumukas ito at bumungad sa akin si Alvin, isa sa mga kabarkada namin. Exclusive party ito for boys kaya nga pagbukas palang ng pinto kanina, rinig na ang ingay mula sa mga rock music na nakaplay. "Look who's here guys?" sigaw ni Alvin habang dala ang isang glass na alam ko'y alak ang laman. I presented myself to them at nagsigawan sila. "Wow, Mr. Famous!" sigaw ni Marco at naghiyawan naman ang mga kasama pa namin. Kasama dito sina Ped, Charles and Jeff. Kami-kami ang magbabarkada. We've met dahil parepareho kaming aspiring actors datin. Pero sa amin, ako lang ang mapalad na nasa taas na. "Look what I brought!" naghiyawan sila ng itaas ko pa ang isang bote ng isang alak. We have to celebrate my victory kaya kailangan maging masaya ang gabi na ito kasama ng mga kaibigan ko. Mabilis na lumipas ang oras, naubos na namin ang iilang bote ng alak na inihanda ni Marco, ngayon ang dala ko namang alak ang iniinum namin. Mahina narin ang music at naka upo nalang kami sa sala habang umiinom at nagkikwentuhan. Pare-pareho na kaming may tama ng alak kaya walang tigil ang yabangan. Mga babaeng napaikot, mga kalokohang nalusutan, mga nakafling na kapwa artista, lahat ng kayabangan nasa amin na. "Eh ikaw Axl? Bro hindi mo magawa yung nagagawa namin no?" pangaasar ni Charles. Nagtawanan sila. "Syempre," sagot ko. "Iba ako sa inyo, sikat ako. May pangalan akong inaalagaan." nagtawanan ulit sila pero kumpara sa kanina, hindi na ito malakas. Napasandal ako sa upuan, "Kayo pwede nyo itong gawin kahit kelan nyo gusto, seasonal kasi yung project nyo eh," tumawa pa ako sa sinabi ko. Nanlalabo na ang paningin ko habang nagsasalita. Hindi ko na alam kung ano ang nagiging reaction nila, pero wala akong pakialam. Then everything becomes blurry so I closed my eyes na parang gusto ko ng matulog. .. .. .. .. Nang ibukas ko ang mata ko, nanlalabong kinilala ko ang lugar na kinaroroonan ko. Nang makita ko na ang paligid ko, napatingin ako sa mga kaibigan kong nakatulog narin. We really had a great night. I took my cellphone from my pocket para tingnan kung anong oras na. 5am na pala. Napansin ko na may unread message pala sa akin, it's from my Father. Be home early, may call time ka ng after lunch for a taping sa guesting mo sa Night with Vice. Napatingin ako sa mga tulog kong kaibigan, hindi narin siguro kailangan na magpaalam. I'm a busy person, alam nila ang mga priorities ko, I'm sure they'll understand. Nang tumayo ako, muntik pa akong matumba, para parin akong lutang. Maging nung naglakad ako, kahit gustuhin ko mang maglakad ng normal, nanghihina parin ang katawan ko. Pero nagpatuloy ako kahit na hindi na tuwid ang lakad ko. Pakiramdam ko ang tagal bago ko narating ang parking lot. When I reached my car, binuksan ko ito at sumakay. Habang nagmamaneho ako, I have this stranged feeling na para bang may kakaiba sa paligid ko. Sabi nila wag daw magmamaneho kung nakainom, pero alam ko namang kaya ko. Habang nagmamaneho ako, napatingin ako sa bandang kanan ko. Napansin ko ang isang hindi kalakihang billboard, "Butterfly Show". Napailing nalang ako, butterfly nanaman. Patuloy ako sa pagmamaneho nang bigla nalang ako nasilaw at wala akong nagawa kundi ipikit ang mata ko at nang muli kong ibukas ang aking mga mata, para akong nabuhusan ng sobrang lamig na tubig nang makita ko ang malaking truck na nasa harap ko, agad kong minaneobra ang sasakyan pero masyadong mabilis ang pangyayari. Ang naalala ko nalang, napapikit nalang ako ng aking mata. --------------------- "When pride comes, then comes disgrace..." Proverbs 11:2
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD