CHAPTER 63: LITTLE RIGHT, LITTLE WRONG Mabilis na lumipas ang oras, tuloy-tuloy lang kami sa trabaho. Halos tatlong araw narin kami na andito at marami rami narin kamung na-take. "Talaga? Wow, good for you Erick." Masayang sabi ko dahil sa narinig na balita galing kay Erick. Si Yna ang kausap ko few minutes ago nang biglang nagsabi si Erick na may ibabalita ito sa akin. Binalita nito sa akin na nasa Top 3 sya sa buong class. Kaya nga natutuwa ako kasi ako pa ang unang nakaalam. Maging si Yna nagulat din sa binalita ni Erick. "Tapos nag celebrate kami ni Alyssa kanina. Sabay kaming nagmerienda." Napangiti ako lalo na at inasar asar din ni Yna ang kapatid. "Mukhang in good terms na kayo ah." "Syempre po, ang sarap ko kayang maging kaibigan." Mas lalong kinantyawan ni Yna ang kapatid. K

