CHAPTER 15: SO CLOSE AND YET SO FAR "Zander?" Napatingin ako sa pinto nang marinig si Yna mula sa labas na kumakatok at ginigising nanaman ako. This is not the first for this day, naka limang balik na sya para lang gisingin ako pero pinili kong magpanggap na tulog. "Zander tanghali na tulog ka parin ba?" tanong ni Yna. Bakas ang pag aalala sa boses nya. "May sakit ka ba?" napapikit ako ng madiin. Ayaw kong magpakita kay Yna- this time it's not because of my ugly face but it's now because I am ashamed of my whole being. Akala ko noon wala nang mas nakakahiya pa sa mukha ko, pero mali ako kasi mas nakakahiya pala ang ugali ko. Hindi na muling nagsalita si Yna, siguro umalis na sya. Pero hindi nagtagal muling nagsalita si Yna. "Galit ka ba?" malungkot na tanong ni Yna. Sumisikip ang dib

