CHAPTER 13: SHE REMEBERED "Please Zander," "Yna, kaya kong gawin lahat wag lang ito," "Zander sasama ka lang sa grocery store, bibili tayo ng supply natin for a month. Then after that uuwi na tayo, anong mahirap doon." patamad akong napaupo. Andito kami sa vernada ni Yna nagtatalo tungkol sa pagsama ko sa kanya sa grocery store. "Yna, mahirap yung pinapagawa mo kasi maraming tao sa grocery store."Mahinang sabi ko pero alam kong narinig nya ako. Tumabi sya sa akin and smiled at me, "Im here Zander, hindi ko naman hahayaan na masaktan ka." Napatingin ako kay Yna. Hindi nya ako hahayaang masaktan. Paulit-ulit ito sa pandinig ko. "Yna I should be the one saying those words; ako dapat ang poprotekta sa iyo." Hindi ko alam bakit ko nasabi yun, basta ang alam ko Yna has always been there

