Chapter 27: BEAUTIFUL DISASTER "Baba." utos sa akin ng lalaking malaki ang katawan, nakasuot ng isang leather jacket. Ayaw kong bumaba pero mas inilapit sa ulo ko ang baril na hawak ng lalaki. Kinabahan ako kaya agad kong binuksan ang pinto. Kamalasan. Hindi ako naniniwala dito, pero ngayon parang gusto kong sabihin na napakamalas ko ngayon. May dalawa pang lalaki ang kasama ang lalaking tumutok sa akin ng baril. "Sumama ka sa amin." sabi nito matapos ang itulak papunta sa sasakyan nila. "Ikaw na mag drive ng sasakyan nito." "Anong kailangan nyo?"tanong ko pero di nila ako pinansin. Nakita kong pumasok sa kotse ang isang lalaki na kasama nila bago ako pinasok sa sasakyan nila. "Doon na tayo sa Condo." sabi ng lalaking katabi ko bago kumuha ng cellphone sa bulsa. "Papunta na kami dya

