Chapter Twenty Seven 4 months after-------------- Kagat labing pinagmasdan ko ulit ang aking buntis na asawa na kumakain sa aking harapan. Magkatapat kami, ang nakapagitan sa amin ay ang narra wood na lamesa namin na napapaikutan ng walong upuan. Nasa pinakang sentro ng hapag kainan si Lolo Servo habang nasa aking kanang bahagi si Kristian na katabi naman si Kristoff. Nasa kaliwang bahagi naman ni Danika si Khloe. Masarap na nilalantakan niya sa ming harapan ang strawberry na inilulublob niya sa tsokolateng tunaw na tunaw na nakalagay sa malaking mug. " Tatay, paabot naman po nung pancake. " agad kong ibinaling sa aking prinsesa ang platong puno ng pancake, ako na nga mismo ang naglagay noon sa kanyang pinggan. Nilagyan ko na rin iyon ng strawberry syrup na talagang pabor

