CHAPTER FOUR
" P-Parang awa mo na, wag mong kunin sa akin ang mga anak ko.. Wag mo silang ilayo sa akin.. Hindi ko kakayanin Toff.. hindi.. sila ang buhay ko.. Sila na lang ang natitirang alaala mo sa akin. Kaya please lang.. kung kukunin mo sila.. k-kailangan kasama ako.. dahi——-
" Mga? Sila?!! Are you saying that—-
" Im sorry... I-I-m s-sooooryyyy, Toff.. hindi ko sinasadya.. bu-but t-they're ... they're triplets—
pak!!!
I really can't believe I did that to her.. God forbid, I slapped her. Pero imbis na magalit siya sa akin.. tinanggap niya iyon, tinanggap niya ng bukal sa kanyang kalooban. Masakit iyon, malakas.. kahit ang kamay ko namamanhid at nangangapal, hanggang ngayon ang pisngi pa kaya niya..? Kitang kita ko rin ang pagpahid niya sa gilid ng labi niya kanina.. may dugo iyon.. at bahagyang putok.. t**g ina!!! Ano bang nangyayari sa akin? Galit na galit ako.. galit na galit ako sa kanya, pero wala akong karapatan na saktan siya.. wala.. Gusto kong humingi ng tawad pero.. hindi ko magawa.. kasi pakiramdam ko kinawawa niya ako.. pinagmukha niya akong tanga.. ginago niya ako.. itinago niya ang mga anak ko sa akin.. hindi lang isa.. tatlo.. pa.
Nilingon ko ang kinauupuan niya, nakatanaw siya sa labas ng bintana ng eroplano. Mula sa kanyang pwesto may isang upuan ang pagitan naming dalawa. Tumiim ang aking bagang ng makita ko ang kanyang kanang pisngi.. namumula iyon. Hindi na rin ako magtataka kung pagkakaba namin mamaya sa eroplano, mangingitim iyon. Ikinuyom ko ang aking dalawang kamao, gusto ko siyang hawakan, gusto ko siyang yakapin at halikan .. pero nangingibabaw sa akin iyong pride ko bilang lalaki.. bilang ama.. ang laki laki ng kasalanan niya sa akin.. Kanina pa siya tahimik at um——
Kitang kita ko kung paano pumatak ang luha niya kahit pa nga pasimple niya iyong pinahid ng mabilis.. Umiiyak siya at napansin kong nanginginig ang kanyang buong katawan habang yakap yakap niya ang kanyang sarili. Wala akong marinig ng tunog pero pakiramdam ko.. nasasakal ako, hindi ako makahinga.. Shiit!! ang sakit sakit ng aking lalamunan.. gusto kong amuin siya, yakapin ng mahigpit na mahigpit pero———- " S-Sorry, I'm s-sorry.. I'm r-really, r-really s-sorry .. " pabulong iyon, puno ng panginginig ang kanyang tinig pero tagos.. tagos sa puso ko kahit pa nga ng sabihin niya iyon.. hindi siya nakaharap sa akin. Nakapikit ang kanyang mga mata habang nakasandal ang kanyang ulo sa salamin. Patuloy sa pagdaloy ang kanyang mga luha.. Iniiwas ko ang aking tingin sa kanya.. nanghihina na ako.. kaunti na lang bibigay n-na ak——————-
" F-For what i-its w-worth, T-Toff.. k-kilala k-ka n-ng m-mga a-anak mo.. K-Kahit kailan h-hindi k-ko s-sinabi na w-wala si-silang ama. H-hindi.. H-hindi ako ganoong k-kasama. M-May l-litrato k-ka n-nila, k-kaya alam n-nila ang i-itsura mo.. A-Ang s-sabi k-ko lang s-sa k-kanila, n-nagtatrabaho k-ka s-sa m-malayo———
" Is that supposed to make me feel better, Danika? What do you want? You want me to thank you? Dahil kahit itinago mo sila, ipinakilala mo pa rin ako sa kanila sa pamamagitan ng ano? ng picture?!! My godd!! what were you thinking? They're Mine, You're Mine!! Akin kayo!! Akin ka!! tang ina!! " sigaw ko ng malakas sa kanya. Halos ipagsiksikan niya ang kanyang sarili sa upuan ng kanyang kinalalagyan, na para bang natatakot siya.. na pagbuhatan ko ulit siya ng kamay. I saw how she closed her eyes, bit her lip and hugged herself tighter..
Huminga ako ng ilang beses dahil nagdidilim na naman ang aking paningin. " I'm supposed to take care of you. Provide all your needs. Watched your stomach grew because of them. I should have been there when you gave birth with them. I should have been there the first time they opened their eyes.. u-unang salitang sinabi nila, unang birthday!! Ni pangalan nila hindi ko alam!! Ang sakit sakit ng ginawa mo sa akin Danika!! Ang sakit!! "
" N-Nasasaktan din ako Toff!!! H-hindi lang ikaw ang nagdusa!! ako din!! A-Ako din!! Akala mo ba hindi ko pinangarap lahat ng sinabi mo!? Lahat yan hinangad ko!! Pinangarap ko!! N-Naghirap din ako pero tiniis ko lahat iyon, para sayo!! sa lolo mo!! at sa pamilya ko!! kahit hirap na hirap ako!! Mahal kita.. mahal na mahal kita kaya pinili kong magtiis!! pinili kong lumayo!! kinaya ko para sayo, sa inyong lahat!!"
" W-What d-do you w-want me t-to do? t-to ease the pain that I've caused you? D-Do you want me k-kneel in front of you and b-beg? D-Do you want to hurt me a-again? D-Do it.. just do everything y-you want from me para lang mawala yang galit mo.. yang sakit na nararamdaman m-mo n-ng dahil s-sa akin. " naumid ang aking dila habang nakatitig ako sa kanya. She was facing me also, panay ang punas niya ng kanyang mga luha pero patuloy lang iyon sa pagpatak. H-her eyes says everything I want to hear.. her eyes was pleading.. nagulat ako ng abutin niya ang aking kamay, at ilapat niya iyon sa pisngi niya na sinampal ko kanina. " S-Slap m-me again, how many times you want. I wont s-stop you. J-just promised me one thing.. kapag natapos ka ng ilabas ang galit mo.. bibigyan mo ako ng pagkakataong magpaliwanag.. at hinding hindi mo ilalayo sa akin ang mga anak ko. "
Pagkasabing pagkasabi niya noon, ipinikit niya ang kanyang mga mata at binitawan niya ang aking kamay. H-hindi ko magawang alisin ang aking kamay doon, hindi ko magawang iangat iyon dahil.. damang dama ko ang mainit niyang balat na nagdudulot ng pinung pinong kiliti sa aking buong katawan. Her face was calm, her whole facade was calm.. did she ever think that I will slap her again? that I will hurt her again? Nabigla lang ako kanina, kaya ko nagawa iyon..
but never..
I never intend to do that..
Napakaganda niya talaga, mas pinaganda siya ng panahon na lumipas.. How can I hurt the woman I love so much? How can I remained angry with her, kung sa bawat luha na pumapatak sa kanyang mga mata pakiramdam ko.. sinasakal ako? Sa bawat hikbi niya.. unti unti akong bumibigay.. she have given me the greatest gift I didn't know I will have..
" Marry me, Danika.. and all of this will be forgotten."