"Sir" nagising kami sa sunod sunod na katok.
Agad na nagpunta si Cham sa cr para magbihis.
"Ano yun Cynthia?"
"Anjan po si Sir Bon."
"Sige bababa na ako."
Pagkasara ng pintuan ni Thor ay nagbihis na rin siya, siya naman na labas ni Cham na nakabihis na.
"Ano yun?" Tanong ni Cham.
"Si Bon daw nasa baba, dito ka lang ako na bababa."
Nilapitan muna ni Thor si Cham and give her a quick kiss on her lips.
Naabutan ni Thor si Bon kasama si Gabby na nasa mini bar niya.
"Oh bro akala ko uuwi na kayo?"
"Nagyaya pa kasi tong si Gabby uminom eh hindi niya gusto don sa pinagdalhan ko na bar kaya nagyaya dito."
"Busy ka ba Thor?" Nilapitan ito ni Gabby at inihilig ang ulo nito sa dibdib ni Thor.
"Lasing ka na yata Gabby."
"Hindi naman may jetlag lang ako kaya mabilis umepek ang alak sa akin."
"Natutulog na ako ng dumating kayo may lakad kasi ako maya maya."
"San lakad bro?"
"Cr lang ako ah." Paalam ni Gabby.
"May lakad kami ni Cham, andito siya actually." Pag amin ni Thor.
"Hehe sabi ko na eh, lakas ng kutob ko na hindi mo naman ihahatid si Cham eh."
"Ganon talaga."
"Paano na yan andito na si Gabby anong balak mo?"
"Ano ba dapat, matagal na yun."
"Niloloko mo lang sarili mo, kung ako sayo wag mo na gamitin si Cham."
"I'm not using her bro, i'm trying to be serious with her."
"Siguraduhin mo lang bro, dahil yung isa pursigidong to win you back."
"Para saan pa, matagal na niya akong iniwan bro you know that matagal ko na siyang kinalimutan."
"Sabi mo eh."
"Bro hatid mo na si Gabby, may lakad pa kami ni Cham maya maya."
"Makulit yun eh ano sasabihin ko bakit pinapauwi mo na kami?"
"Ikaw na bahala magdahilan."
"Saan ba lakad niyo?"
"Basta somewhere na malayo."
"Seryoso ka na ba diyan?"
"I'm trying okay, ayaw ko madaliin i don't want to hurt her that's all i know at the moment."
"Thor, can i sleepover here?" Agad na sabi ni Gabby pagdating from the restroom.
"Gab ihahatid na kita may lakad pa si Bro."
Lumapit ulit si Gabby kay Thor at niyakap ito habang nakasubsob ang ulo nito sa dibdib ni Thor.
"Saan ka pupunta? Diba weekend wala ka naman work sama ako." Malambing na sabi nito.
"Gab lika na gusto ko na rin umuwi." Hinaltak ni Bon si Gabby palayo kay Thor.
"No Bon, i will stay here." Gabby insisted.
"Gab may lakad ako paalis na rin ako."
"Siya ba kasama mo? Yung nasa kwarto mo?" Bulalas ni Gabby at sinuntok si Thor sa braso niya.
Nagkatinginan ang magkapatid.
"Who told you to roam around my house?" Ani Thor.
"I know Thor i know you so much that you will use another girl para pasakitan ako."
"Shut up Gabby we're done long time ago."
"Nasasabi mo lang yan dahil nasasaktan k a pa rin, i'm already here Thor i'm back i will never leave you again."
"Naku naku halika na Gab, hayaan mo na muna si Thor okay." Singit ni Bon, sinenyasan ni Bon si Thor na aalis na sila. Hinila na nito si Gab palabas.
"Bon naman eh, gusto ko pa makasama si Thor." Inis na sabi ni Gab.
"Gab hindi sa may kinakampihan ako, alam mo naman how deeply hurt ang kapatid ko ng iniwan mo siya diba? Sinundan ka pa niya pero ilan beses mo siyang tinanggihan, marunong din mag moveon yun. Hayaan mo na si Thor."
"Ano niya si Cham? Bedmate na naman?"
"Ang g**o diba nililigawan mo si Cham pero bakit andon siya kay Thor?"
"She don't like me Gab basted nga ako diba?"
"Ayos lang sayo yun you like her but she's with Thor. Mahal ba siya ni Thor? I guess not."
"Hindi natin masabi it's too early to tell." Kibit balikat na sagot ni Bon.
"Hays kainis."
Pag-akyat ni Thor sa kwarto niya ay nakatulugan na siguro ni Cham ang panonood ng netflix, mahimbing itong natutulog.
Agad niya itong tinabihan and wrapped his arms on her waist at inamoy amoy ang mga buhok nito.
He set an alarm 4hrs from now matutulog muna sila.
Nang tumunog ang alarm ay agad na nagising si Thor, he planted small kisses on Cham's nape and neck to wake her up.
"Hmm." wala pa sa wisyo si Cham.
"Wake up na my Cham, uuwi pa tayo sa inyo so you can get some clothes."
It's just 2am gusto lang ni Thor na magbyahe ng ganitong oras wala pang trapik.
"Good morning." Umupo na si Cham at kinusot muna ang mga mata nito, when she can clearly see Thor ay napangiti siya. She likes waking up beside him. "I love you." She said to Thor and kiss him on his lips. She's not expecting a response just a sweet smile from Thor is already enough to her. She just want him to know how she feels.
"Bebe bakit ngayon ka lang aber?" Nagulat si Cham pag akyat ng hagdan andon ang Ate Mylez niya.
"Ah eh ano kasi kasama ko si Thor, actually aalis ulit kami kukuha lang ako ng damit." Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa kwarto ko sinundan ako ni Ate.
"Boyfriend mo na ba yan si Thor ah?"
"Hindi ate, hindi pa." Sagot niya na may pilit na ngiti.
"Eh bakit parang ikaw pa ang parating nandon sa kanila?"
"Ate alam mo naman diba? I'm trying to win him, gusto ko magustuhan niya rin ako." Nagulat ako ng kinurot ako ng ate sa tagiliran ko.
"Wag kang patanga tanga huh, alam kong naniniwala ka diyan sa panaginip mo pero gamitin mo yang kokote mo ah. Wag ka masyado bigay ng bigay, paano kung hindi naman niya kayang suklian? Baka gamitin ka lang dahil alam niya na patay na patay ka sa kanya." Sermon sa akin ni Ate.
"Ako na bahala teh kung masaktan eh di masaktan at least nasabi ko napadama ko na mahal ko siya kesa magsisi pa ako sa huli na hindi niya nalaman."
"Hays nakakabaliw talaga ang pagibig oh siya magiingat ah."
Hindi na ako hinatid ni Ate sa labas antok na daw siya kanina pa kasi niya ako hinihintay, pagkakita pa lang sa akin ni Thor palabas ng apartment ay patakbo niya akong sinalubong para kunin ang bag na dala ko.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya pagkasakay ko sa kotse.
"Let's enjoy mother nature."
After few hours of travel nakarating kami somewhere in laguna. Thor decided to go to one of the Falls here. Hanggang dito lang ang sasakyan ni Thor we need to walk daw for few minutes.
Kinuha ni Thor lahat ng gamit ko and hold my hand while were walking.
Ang sarap ng pakiramdam to smell fresh air early in the morning.
Sinamahan kami ng isang tour guide dito at sila na din ang bahala where we will stay for 2days.
Namangha ako when we reached our destination there are floating nipa huts beside the river.
"Ang ganda dito." Hindi napigilan isantinig ni Cham.
"Mam Sir eto po ang phone number ko tawagan niyo lang po ako pag may order kayong foods at pag ready na kayo pumunta sa falls at umakyat ng bundok."
"Sure kuya thank you, for now yung breakfast and coffee for two."
"Copy sir thank you, eto po ang susi niyo."
Pagpasok nila sa nipa hut ay agad na nagpicture si Cham with Thor ang ganda rin kasi sa loob may queen size na kutson na nakalagay lang sa sahig at napapalibutan ito ng see through na white curtain na naka hugis tatsulok at may nga maliliit na ilaw na ibat ibang kulay mukhang maganda siya pag madilim na.
Nagpalit kaagad si Cham ng short at sando.
Paglabas ng floating nipa hut ay may veranda pa ito with couch na pwedeng tumambay habang nakatingin sa tubig.
"Halika doon Thor." Hinawakan ni Cham ang kamay nito ay niyaya sa dulo, naupo sila habang nakababad ang mga paa nila sa tubig.
"Thank you for bringing me here." She said the she put her head on his shoulders at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Thor.
"Masaya ako na ikaw ang kasama ko, let's do this often. I wanna know you more Cham, and i want you to know me too. I want more of this with you, more of us."