Nagulat si Cham paglabas ng lobby andon si Brandon, agad naman na tumayo ito ng makita siya at nakangiting nilapitan siya.
"Hi Mach, hindi na kita tinext sabi kasi ni Manong guard nakaovertime kayo para sayo pala." inabot ni Brandon ang pink roses bouquet sa kanya.
Nakita naman niya sa gilid na dumaan si Thor, saktong pagabot niya ay lumingon ito sa kanya.
Parang gusto niya tuloy ibalik kay Brandon ang mga bulaklak ng sinamaan siya ng tingin nito, saglit lang ang tingin na yun sa kanya ni Thor at nagpatuloy na ito maglakad palabas.
"Ang tamis, sana all may pink roses" komento ni Joe.
"Ikaw talaga nag-abala ka pa, diba sabi ko sayo wag mo na ako bibigyan ng mga flowers or kung ano man. Sayang pera ipunin mo na lang."
"Okay lang yan Mach, matagal na kasi na hindi kita nasusundo namiss lang kita kasama magdinner. Baka pwede kita mainvite for dinner."
"Naku naunahan ka na ng boss namen Papa B, gogora kami sa bar sa kabilang tumbling. Pero pwede ka naman gumorabells." si Joe na sumagot. Halata naman ang disappointment sa mukha ni Brandon.
"Ganon ba, sayang naman nakakahiya naman if sasama pa ako don."
Tinignan ni Cham ang relos niya, almost 9pm na pala, naawa naman siya kay Brandon kanina pa naghihintay dito alam kasi nitong 5pm out niya.
"Joe mauna ka na don susunod na lang ako, sasamahan ko lang si Brandon kumain ah."
"Push keriboom boom, medyo bilisan mo lang frenship baka lasingin ako ni boss hehe lam mo na marupok ako."
Natawa naman si Cham at Brandon, aliw na aliw talaga siya sa kaibigan.
"Oo hahatid ko si Cham kaagad, salamat Joe."
"Tara na! sabay sabay na tau rumampa palabas"
Naglakad lang sila since malapit lang naman ang restaurant mauuna ito kesa sa bar na pupuntahan nila.
"Sure ka hindi ka na sasama sa amin kumain Joe?" tanong ni Brandon andito na sila sa labas ng Resto.
"Wit na Papa B baka waiting in vain na si Papa Boss ko don, you know hindi kakain yun ng wala ako."
"Loka loka ka talaga." natatawang komento ni Cham.
"Sige enjoy your meal kita kits later alligator."
Pagdating ni Joe sa restobar ay nakita niya sa smoking area si Thor.
"Hi boss, andiyan na ba sila?"
"Yes andon sila sa taas nakapwesto. Where's Cham?"
"Sinamahan po yung bestfriend niya kumain."
"Hmm talaga bestfriend?" curious na tanong nito.
"Yes bestfriend lang daw po sila yun ang alam ko hehe, pero feeling ko may feelings si boylet kay Cham, oops ang daldal ko talaga." napatakip si Joe sa bibig niya kausap nga pala niya ang brother ng manliligaw niya.
"Ah okay, umakyat ka na don umorder ka na."
"Sige boss salamuch."
"Mach kamusta ka na? Wala bang sumasakit sayo after mo lumabas ng hospital?" andito na sila sa loob ng resto, naghihintay na lang ng order nila.
"Wala naman, thank god." she's okay now physically, pero syempre hindi pa rin okay ang puso niya.
From time to time nadedepress pa rin siya.
Katulad ngayon sa katabing table nila kumakain ang isang pamilya, halos ka-edaran ni Chelsea ang baby girl, nakawhite dress ito at doll shoes, mahaba din ang buhok nito. Ang lambing nito sa Mommy niya.
"Okay ka lang mach?" napansin ni Brandon na nanginginig ang mga pisngi ni Cham.
Pinipigilan umiyak ni Cham ngayon, namimiss na niya si Chelsea.
"I'm not o-okay" sabay bagsak ng mga luha ni Cham.
"Excuse me nrab cr lang ako."
Patakbo niya tinungo ang restroom ang dali daling umupo sa dulong cubicle.
"Chelsea, miss na miss na kita baby" she broke down, feeling helpless.
Halos hindi na siya makahinga sa sobrang sikip ng dibdib niya basang basa na ang buog mukha niya sa walang tigil na pag-agos ng mga luha niya.
"Oops sorry" nagulat si Cham ng bumukas ang pintuan ng cubicle niya hindi niya pala ito nasara.
"Why are you crying?" tanong sa kanya ng batang babae na, yung bata sa katabing table nila.
Agad niyang pinahid ang mga luha niya at tumayo.
"I'm just missing someone so bad right now."
"Oh i know how it feels, whenever mom is out of town i'm also crying like a river coz i always want her beside but she needs to work. But it's okay i understand coz it's for my future as mama said."
Napangiti naman si Cham, pinantayan niya ang bata at hindi na napigilan na haplusin ang mga pisngi nito.
"Can i hug you please even just for a minute?"
"Is it your baby that you miss so bad?" tumango lang siya.
Ang batang babae na ang yumakap kay Cham, napapikit si Cham imagining that it's her Chelsea.
"I don't want my mama crying too, she always hug me too when she's sad."
"Thank you, thank you for making me feel complete for a minute."
"My pleasure to help Ate, mom said that hug and kisses are like medicines. I hope that you feel better now."
"Yes, feeling better now. What's your name baby?"
"I'm Amethyst, but mom call me Amy for short."
"I'm ate Cham, nice to meet you."
"Amy" siyang dating ng mommy ni Amy.
"Hi, you have a wonderful daughter you're so lucky." agad na sabi ni Cham sa mama nito.
"Hi, nag alala lang ako ang tagal niya kasi mag c.r"
"Mom, she's crying coz she miss her baby so i gave her a hug."
"Thank you po, mauna na po ako baka hinahanap na ako ng kasama ko. Thank you Amy."
Pagdating niya ay andon na ang mga pagkain.
"Mach anong problema?"
She sigh "Madami nagbago sa akin Nrab, madalas ako mag breakdown pag may naalala ako hindi ko maiwasan. Sorry if nagworry ka, need ko lang talaga iiyak to lessen the pain in my heart."
Hinawakan ni Brandon ang kamay niya. "I understand, if you need someone to listen kahit ano pa man yang pinagdadaanan mo always remember andito ako palagi ako okay?"
She just nodded as an answer.
After nilang kumain ay hinatid na siya ni Brandon sa restobar.
"Sure ka ayaw mo na hintayin kita?" andito sila sa entrance.
"Ayos lng ako, hahatid naman ako ni Joe or mag grab na lang ako."
"Baka malasing si Joe." nag aalala na sabi nito.
"Eh di grab na lang."
"Ehem"
Nagulat silang dalawa ng may sumulpot sa gilid nila. Si Thor pala nagyoyosi hindi nila napansin medyo madilim kasi sa side niya.
"Ako na maghahatid kay Cham paguwi." sabat ni Thor.
Napakagat labi naman si Cham, pinipigilan niyang ngumiti.