Sobrang bilis ng mga pangyayari after ng kasal ni Brandon kinabukasan nagpahatid na rin kami dahil pinadalhan na ako ng pera, kontrata sa email ko at ticket ni Nely papuntang Negros. Hinininga siya sa akin ang bank account ko the same day ng kausap niya ako then kinahapunan natransfer na niya kaagad ang paunang bayad nila sa akin. "Bebe sure ka na ba diyan sa desisyon mo? Malayo layo un ah." tanong sa akin ni Ate Myles. Andito kami sa kwarto ngayon nagiimpake na kasi ako maaga ang flight ko bukas 4am kaya maaga din ako matutulog ngayon. "Napasubo na ako ate, well wala naman akong work at ito ang unang tumawag sa akin saka maganda ang offer teh malaki ang mapapadala ko kina Nanay nito." "Sabagay grabe nga yung sahod mo parang four times ng sahod mo dati noh?" "Oo nga teh medyo madami

