Pagkatapos kumain ng kambal, dinala ni Solstice ang dalawa sa condo niya para makaligo ang dalawa. Nag taxi nalang silang tatlo nadatnan nila si Heiraya na nag luluto ng lunch sa kusina. “Ang aga mo Sol, oh sino ’tong mga cute na mga batang ito?” tanong ni Heiraya. “Oh, my twins, my son and daughter.” sambit ni Solstice, nagulat naman si Heiraya at nakangangang tumingin kay Solstice. “Pumirma ka lang ng kontrata, nagka anak kana bigla." Gulat na sambit Heiraya. “I found them on the streets, idadaan ko legal na proseso, aampunin ko sila." Sagot nu Solstice sa kaibigan. “Girl, wala kang asawa.” sagot pabalik ni Heiraya sa kaibigan. “Hindi kami nag annul ni Zevian, Hei. Basically he's still my husband.” sagot ni Solstice at inakay ang kambal sa kwarto niya. Naunang naligo ang ba

