Marian Palala ng palala ang nararamdaman ko. Sabi ng doctor ay normal lang ang ganitong pakiramdam sa first trimester ng pagbubuntis ko. Nakailang balik ako sa CR dahil sa pagduduwal ko. Halos hindi na nga ako makapagtrabaho ng maayos dahil sa nararamdaman kong ito. Pinipilit ko ang sarili ko, na kayanin ang lahat ng ito para sa magiging anak ko. Nakakaramdam din ako ng pagkahilo na syang lalong nagpapahirap sa akin. Pagbalik ko sa aking pwesto ay naabutan ko si Jordan na hawak at pinagmamasdan ang pregnancy test kit ko. Bigla na lang akong naluha. Ayoko sanang malaman nya. Pero alam ko namang malalaman din nya dahil hindi ko maitatago ang pagbubuntis kong ito paglipas ng ilang buwan. Hindi lang ako handa na malaman nya ito ngayon. "Jordan!" Sigaw ko Nasaksihan ko ang panging

