Chapter 18

2429 Words

Jordan Sa kwarto ni Marian ay napakarami naming napagkwentuhan. Parang bumalik kami noong panahong kami ay mga bata pa. Gawain namin ito dati. Magkukulong lang kami sa kwarto nya at maghaharutan maghapon. Ganun lang din ang ginawa namin ngayon. Ni hindi ko na nga napansin ang oras. Nakahiga kami sa kama nya habang nakatingin sa kisame na may mga nakadikit na sticker type glow-in-the dark stars. Para na rin kaming nagstar gazing nito. Habang pinagmamasdan namin ang mga bituin sa kisame nyang sobrang bulok na ay bigla na lang akong napabuntong hininga. "Sorry bhezzie." Bigla ko ring wika. Sa wakas nasabi ko na rin ang salitang sorry. Dahil iyon naman talaga ang gusto kong sabihin. Pero ang pagtatapat ko ng damdamin ay hindi ko na kayang sabihin pa. Pinangunahan na ako ng hiya at ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD