Tagaktak ang pawis ko sa mga tanong ni Mama. Ayoko talagang malaman ng iba ang kababalaghang nangyari sa amin sa may dalampasigan. Kung bakit ba naman hindi namin napigilan ng haliparot na ito eh.
“A-ah, e-eh. OO! Ma, napulikat lang sya Ma, oo, napulikat!” kabado kong kuda kay mother.
Nakita kong pangisi ngisi ang babaeng haliparot. Aba, nakuha pa akong tawanan. Hindi man lang sya kinakabahan. Gusto pa yata nyang ibulgar ang tungkol sa nagyari sa amin? Proud na proud??
Inalalayan din ni mama si Marian.
“Saan ka ba galing at puro buhangin yang legs mo, kay gandaganda pa naman “ sabi pa ni mama
Pinagpag ni Mama ang mga buhangin sa hita ng bestfriend ko.
Pero..
“Oh, bakit may dugo ang puwetan mo? “ tanong ni mama
Parang gusto kong himatayin sa mga tanong nya. Shuta, mabubuking na ba kami? Kailangan ko na ba syang pakasalan? Magpapakalalaki na ba talaga ako? Kailangan ko na bang panagutan ang bestfriend ko? Shuta talaga ang daming pumasok sa utak ko.
Nanginginig ako! Ngayon lang ako kinabahan ng ganito buong buhay ko.
Naramdaman ko ang pagkapit ni Marian sa balakang ko. Tinignan nya muna ako at nginitian.
Aamin na ba ang haliparot? Shuta di pa ako ready!
Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga kaibigan ko? Na nakatikim na ako ng tahong na pinandidirihan dapat naming mga baklang borta? Hindi ko kaya!
Sana lamunin na lang ako ng dagat.
“Bigla po akong nagkaroon ng menstruation tita, magpapalit na lang po muna ako.” Biglang sabi ng babaeng haliparot.
Bigla akong napatingin sa kanya at napawi ang kadramahan ko. Akala ko, ibubuking na nya ako. Salamat naman at ligtas na ako!
“Oh sige, magpalit ka muna. Samahan mo na sya Jordan. Magpakalalaki ka muna ngayon!” biro pa ni mama
Napameywang na lang ako. Wala naman akong magagawa.
Naglakad na kami pabalik ng kwarto ng mga girls.
Paika ika pa din ang bestfriend ko nang makarating kami sa kwarto nila. Ganun ba talaga kapag first time? Oh sobrang O.A lang ang babaeng ito.
“Masakit ba talaga? Baka arte mo na lang yan ah?” tanong ko sa kanya
Naramdaman ko ang paghampas nya sa braso ko. Medyo malakas.
“Sa laki ba naman ni Garnet, pinilit mong ipakain kay Chloe ko, syempre masakit noh. “ sabi nya
Gusto kong busalan ang bibig nyang matabil. Baka may makarinig sa amin at kung ano ang isipin. Napatingin ako sa paligid para siguraduhing walang nakarinig sa mga sinabi nya.
“Bunganga mo naman! Okay, basta mula ngayon, hindi na natin pagkukwentuhan ang nangyari. Please.” Sabi ko
Pero nakita kong napanguso sya. Para bang hindi nya gusto ang mga sinasabi ko.
“Akala ko pa naman, para hindi na masakit ay sasanayin na natin sila Garnet at Chloe sa isa’t-isa.” Sabi nya.
Halos bumagsak ang bagang ko sa pagkagulat sa mga sinabi nya.
Ang kapal ng mukha nya. Ang haliparot talaga nya.
“For your info, iyon na ang first at last na magmemeet sila!” sabi ko.
Pero nagulat ako sa mga titig nya sa akin.
Yung mga mata nya, may tingin na sobrang lagkit. Shuta, nagsisimula na naman sya!
Hinawakan nya ang leeg nya na para bang nang-aakit . Kumagat labi sya at binasa pa ito. Bumaba ang hagod nya mula sa kanyang leeg patungo sa kanyang dibdib.
At hinatak na lamang nya ako sa loob ng kwarto. Madilim.
Pero doon ay sinibasib na naman nya ako ng halik.
Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil sa totoo lang, sa paghawak pa lang nya sa leeg nya kanina ay binuhay na naman nya ang dugo ko.
Halos ang tunog ng mga halikan namin ang maririnig sa buong silid.
Hinagilap ng kamay ko ang dibdib nya. May gumapang na malakas na enerhiya sa buong katawan ko ng madampian na naman ng palad ko ang dibdib nya
Manipis lang ang suot nyang swimsuit kung kayat dakot na dakot ko ang malusog nyang si Scarlet.
Halos magkapalitan na kami ng dila sa tindi ng pagsipsip namin sa labi ng isat isa.
Gumagapang ang dila nya sa loob ng bibig ko na mainit namang tinanggap ng dila ko.
Kasabay nito ay ang paggapang ng kamay ni Marian sa loob ng shorts ko. Pinuntirya nya ng himas si Garnet. Shuta, heaven talaga sa tuwing hahawakan nya si Garnet.
Muli akong nababaliw sa init ng nararamdaman ko, kung kaya’t , sinibasib ko na naman ng halik ang magkabilang dibdib nya. Halos mapunit ang tuktok ng dibdib nya sa tindi ng pagsipsip ko dito.
Halos tumirik ang mata ko sa sensasyong idinudulot nito.
“OMG!!! Kuya Jordan???”
Isang malakas na sigaw ang narinig namin mula kay Kate.
Nagulat ako at dumagundong ang puso ko!
Pagmulat ng mata ko ay nakabukas na ang ilaw. Napalingon kami kay Kate na nakangiwi sa amin at gulat na gulat sa pinaggagawa namin ni Marian.
Nakasalpak pa sa bibig ko ang dibdib ng haliparot na mistulang baby na dumedede sa nanay nya. At huling huli kami sa akto ng kapatid kong bunso.
Shuta! Katapusan ko na talaga.
Parang nandilim bigla ang paningin ko. Parang unti unting bumigat ang katawan ko.
Hindi ko na kaya. Basta, parang napaluhod akong bumagsak.
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
Ang alam ko lang ay nakakahiya ang eksena ngayong gabi. Bakit si Marikit pa ang nakahuli sa amin? Sya pa naman ang pinakachismosa, pinakamahadera at ubod ng tabil ang dila sa aming lahat.
Bakit ba hindi na lang si Liza ang nakakita sa akin, para panghabambuhay din nyang itatago ang lahat ng nasaksihan nya. Pero si Kate? Sigurado akong kalat na agad yan sa buong pamilya ko. Ayoko na yatang mabuhay.
Pakiramdam ko ay nakatulog ako. Masarap ang pagkakatulog ko. Nahimatay ba ako? Hindi ko na alam.
Nagising na lang ako sa mga kamay na humahagod sa ulo ko.
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Nasilayan ko si Marian na nakangiti sa akin.
Napangiti din ako. Sobrang ganda talaga nya. Parang isang anghel
Pero biglang sumingit ang mukha ni Kate. Nagulat ako!
Yung mukha nya sobrang mapang-asar. Yung ngiti nya parang nakakaloko. Napabangon ako sa kama.
Itinapis ko ang kumot sa katawan ko dahil pakiramdam ko ay lulubog na talaga ako sa kahihiyan. Pinagtatawanan nila akong dalawa.
Nagsama pa talaga ang dalawang malakas mang-asar!
“Kuya, lalaki ka na? Nakwento na lahat sa akin ni ate Marian” halos pabulong at natatawang sabi ni Kate
Yung mukha ko pakiramdam ko ay ang pula pula na sa matinding kahihiyan. At ibinulgar na ng babaeng haliparot ang mga nangyari sa amin sa kapatid kong bunso? Kay kate pa talaga?
“Wag kang mag-alala secret lang natin yun” sabi ng kapatid ko na napabungisngis.
Parang gumaan ang loob ko sa sinabi nya. Mabuti naman at may tinatago ding kabutihang loob ang kapatid kong ito. Akala ko ay wala nang natira.
“Salamat siz” sabi ko
Pero napameywang ang kapatid ko sa harapan ko.
“Sa isang kondisyon!” sabi nya
What? May kondisyon pala ang babaeng uminom ng gluta. Ano naman kaya ang gusto ni Kate? Mga sapatos, damit, bags, mamahaling alahas? Kahit ano, basta mabusalan lang ang bibig nya.
“A-ano?” mahinang tanong ko
Nagtinginan ang dalawang bruha. Parang may matinding balak na masama. Naku, habang tulog ako ay nagplano na yata ang dalawa. Pinagplanuhan na nila ang paninira at pagbagsak ko sa lupa.
“Ililihim ko ang lahat ng nangyari sa inyo ni ate Marian basta pumayag kang makipagdate sa kanya kapag gusto nya. Kapag niyaya ka nya dapat lagi kang handa. Kung ano ang iuutos ni ate Marian dapat lagi mong susundin” Sabi nya
Tumaas ang kilay ko sa kanilang dalawa. Aba, nagkampihan ang dalawang bruha. Alam kong pakana ito ng bestfriend kong haliparot, alam kong sya ang nakaisip nito.
“Kapag nagsumbong si ate sa akin na tinanggihan mo sya, kay mama ko unang sasabihin ang lahat ng nakita ko.” pananakot pa ng kapatid kong bruha.
Tumitig ako ng masama sa kanila.
“Ano to blackmail? Ang kakapal ng mukha nyo!” Sigaw ko
Kinuha ni Kate ang cellphone nya.
"Ayaw mo yata eh, sige wait lang. Isang text ko lang kay mama pupunta agad yun dito!" Pananakot pa ng kapatid kong demonyita.
Napakagat labi ako at parang wala na akong kawala pa sa pananakot ng mga babaeng ito! Ayokong malaman ni mama at nang kahit sino pa ang tungkol sa amin.
"Oo na! Sige na! Basta date lang ha!" Sabi ko
Sabay na nagtawanan ang dalawang bruha. Pinagkaisahan nila ako.
Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa utak ng bestfriend ko at bakit ba gusto nyang makipagdate sa akin? Nasisiraan na sila ng ulo!
Shuta talaga sinusumpa ko ang araw na ito!
***
Marian POV
Bigla na lang nahimatay ang baklang haliparot nang mahuli kami sa akto ni Kate na gumagawa ng kababalaghan.
Maging ako ay nagulat at biglang nahiya sa nasaksihan nya.
Nang bumagsak si Jordan sa paanan ko ay agad naming inalalayan ni Kate ang kuya nyang bakla!
"Kuya! Ano ba yan! Bakla talaga to!" Sigaw ni Kate.
Pinagtulungan naming buhatin ang baklang borta sa may kama. Grabe! Halos maglabasan ang mga ugat namin ni Kate sa pagbubuhat sa kanya. Sobrang bigat!
Pinahiga namin sya sa kama.
Kumuha ako ng maaaari kong ipaypay sa kanya at tinabihan ko sya.
Pinagmamasdan ko ang natutulog na yatang si Jordan. Sobrang gwapo talaga ng baklang to kaya naiinlove ako eh.
Habang pinapaypayan ko sya at hinahagod ang ulo nya...
"Mahal mo talaga si Kuya Jordan!" Bigla na lang nagsalita si Kate.
Bigla rin akong nahiya at parang namula ang mga pisngi ko.
"Ha? Oo mahal ko sya bilang, ano.. ah bilang bestfriend!" Sabi ko
Binaling ko ulit ang tingin ko kay Jordan. Hindi ko maamin na mahal ko sya! Mahal ko sya higit pa sa kaibigan.
"Aminin mo na ate! Mahal mo sya di ba?" Sabi pa ni Kate.
Napabuntong hininga ako. Hindi ko na yata kaya pang ilihim ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Okay. Mahal ko nga sya!" Pag-amin ko
Namilog ang mga mata ni Kate at parang kinilig sa mga inamin ko.
"OMG! Grabe! Ang sweet!" Sabi pa ni Kate.
Hinimas ko pa ang buhok ni Jordan.
"Mahal ko sya. Kaya pinagkatiwala ko sa kanya ang p********e ko!" Dagdag ko pa
Mas bumilog pa ang mga mata at bibig ni Kate sa mga ipinagtapat ko sa kanya.
"Wag mong sasabihin sa iba Kate, promise?" Sabi ko.
Tinakpan ni Kate ng kaliwang kamay nya ang bibig nya at itinaas ang kanang kamay. Hindi pa rin nya mapigilan ang kilig nya.
"Promise.!" Bulong nya.
Hinalikan ko ang noo ni Jordan, pababa sa pisngi nya. Sana ay lagi kaming ganito. Sana ay pareho kami ng nararamdaman para maging maligaya na ako.
"May naisip ako Kate! Pwede mo ba akong tulungan?" Sabi ko
"Oo naman ate! Basta para sa inyo ni Kuya Jordan!" Buong suporta ni Kate
Pinasadahan ko muli ng tingin si Jordan. Nagingiti ako sa mga plano ko. Sana ay magtagumpay ako.
"Kapag gumising sya takutin mo. Sabihin mo na ililihim mo ang mga nangyari sa amin basta pumayag syang makipagdate lagi sa akin! Kapag hindi sya pumayag ay ibubulgar mo ang lihim nya." Natatawang sabi ko sa kanya.
Maging si Kate ay natatawa sa mga plano ko. Pero tumango naman sya sa akin at sumang-ayon.
"Sige Ate! Gagawin ko yan. Pero bakit?" Tanong nya
Napabuntong hininga ako.
"Baka sakaling mapalapit sya lalo sa akin at may pag-asang mahalin nya rin ako. Mas bagay naman kami di ba kesa kay Paolo?" Sabi ko.
Ngumiti pang lalo sa akin ang bunsong kapatid ni Jordan.
"Habang ginagawa mong mapalapit lalo kay Kuya ay isabay mo na rin na paghiwalayin sila ni Paolo. Sa tingin ko naman ay hindi naman ganun kalalim ang relasyon nila kahit matagal na sila! Tutulungan kita Ate!" Sabi ni Kate
Napayakap ako kay Kate. Buti na lang at may kakampi ako sa plano kong ito. Kahit medyo masamang manira ng relasyon ng iba ay ituloy ko pa rin ito. Dahil ito ang dapat, at ito ang mas tama sa mata ng tao.
Kaya ko naman nagagawa ang lahat ng ito ay dahil mahal ko si Jordan.
At alam kong magiging maligaya din kaming lahat kapag naisakatuparan ko ang mga plano ko.
Humanda ka baklang haliparot, paiibigin kita ng bonggang bongga!