Jordan Ngayong buwan ay morning shift naman ako sa pinagtatrabahuhan kong call cener, yes call cener! Ganyan talaga ang tamang pagbigkas nyan, walang letter "T". Anyways, masaya ako kapag morning shift dahil pakiramdam ko ay tao na ako. Unlike kapag night shift, pakiramdam ko ay aswang ako, yung tipong gising ka kapag gabi. Rawrr! Pakanta pakanta pa ako habang nagsusuklay sa tapat ng salamin. At gaya ng mga dating eksena, nagkakagulo na naman sila sa ibaba. Sino pa ba? Yung mga kapatid kong parang laging nasa palengke ang peg. Tse! Bumaba agad ako pagkatapos kong mag-ayos ng aking sarili. Traffic na kapag tinagalan ko pa ang pag-aayos. Ay, wala naman palang bago, lagi talagang traffic sa Pinas. At pagbaba ko nga ay naabutan ko sila na pinagkakaguluhan ang bestfriend kong haliparot

