Jordan Nagkaroon ng birthday party celebration ang TL ng kabilang team na si Richie. Invited ang ilan sa team namin. Syempre present sina Chito at Marian. Madaming kakilala ang TL naming hambog sa buong Citel eh. Naimbitahan din ako dahil naging kaclose ko din si Richie nung bago bago pa lang ako dito. And ofcourse, present din ang ex-boyfriend kong si Paolo. Magkakasabay kami sa iisang van na nirentahan ni Richie para sa amin. Isang night swimming ang paandar ni Richie para sa mga bisita nya. Kavogue! Walang humpay na ingay ang naririnig ko habang pasakay na kami ng van. Ang iingay ng mga bakla. Excited sa party? Sigawan dito, hiyawan doon ay kaliwa't kanang harutan ang masasaksihan sa kanila. Habang nasa loob na kami ng van ay pinagmamasdan ko lang ang dalawang magjowa. Si Mari

