Marian Wala akong ibang naiisip ngayon kung hindi ang makauwe na! Gusto ko nang takasan ang mundo nila Chito. Ayoko nang bumalik pa sa lugar na iyon. Natatakot ako! Kahit nakasuot ako ng high heels ay hindi ko iyon iniinda, ang mahalaga sa akin ay makatakbo ako ng mabilis upang layuan ang pamilya ni Chito. "Babe!" Kaagad naman akong nahawakan ni Chito at hinatak nya akong pabalik sa kanya. Napahinto ako sa pagtakbo at napasandal ako sa kanyang dibdib. Doon lalong rumagasa ang luha sa mga mata ko. Ang sakit ng mga paratang ng Mommy nya sa akin. Masakit, dahil lahat ng iyon ay walang katotohanan! "H-Hindi ko kayang gawin ang ibinibintang nila." Humihikbi kong wika sa kanya Naramdaman ko ang pag-alo nya sa akin at pilit nyang pinapakalma ang sitwasyon. "Umuwe na tayo." Aniy

