Chapter 5

2487 Words
Marian POV Ang baklang haliparot na to, nakuha pa akong pandirihan pagkatapos nyang mahalikan ang labi ko. Sya pa ang mas diring diri? Ibang klase ka talaga Jordan Bianchi! Pasalamat sya, mahal ko sya! Yes! Inlove ako sa bestfriend kong bakla since elementary days pa namin. Pero hanggang bestfriend zone na lang talaga ako eh. Kahit anong pagpaparamdam ang gawin ko, deadma lang sa kanya. Lalaki pa rin ang gusto nya. “Grabe ka Jordan, anong lasa??” tanong ni Kuya Leighton nya na kating kati na matikman ako. Inakbayan pa nya si Jordan at panipilit na sabihin ang lasa ng labi ko. Kahit kailan di ko papatulan ang kuya nya. Impyerno lang ang aabutin ko kapag pinatulan ko sya. Napakagat labi ako at parang gusto ko na lang gumulong papunta sa dalampasigan para maalis ang kahihiyang inabot ko ngayon. Sa totoo lang, hiyang hiya  ako sa mga nangyari. Nasaksihan ba naman ng lahat ang pagtama ng mga labi namin, eh di agad  kaming naging tampulan ng tukso. Tinulak ni Jordan ang kuya nya at agad nyang pinunasan ang labi nya gamit ang manggas ng t-shirt nya. Wow ha, sya pa ba ang talo? Sya kaya ang first kiss ko! Nung gabing lasing na lasing ako, naghalikan na kami. Pero, nung gabing yun ay ramdam na ramdam ko ang labi nya. Ramdam na ramdam ko ang pilyong dila nya na sumibasib sa loob ng bibig ko. Siguro dala na rin ng kalasingan. Ang galing nya nga humalik nung gabing iyon eh. Parang totoong lalaki. Napaligaya nya ako. “Kadiri! Tigilan nyo nga ako!” sabi pa nya “Si Kuya Jordan ang arte, kala mo naman maganda!” sabi ni Kate na kapatid nya. Hindi na nila tinigilan si Jordan. Kahit sila tita at tito ay sumali na rin sa usapan. "Naku! Sagot ko ang isang case ng alak, dahil nakahalik na rin ng babae si Jordan!" Sigaw ni Tita Emz. Agad na nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Tita. "Mama! Si Paolo nandito oh." Sabi ni Jordan sabay akbay sa boyfriend nya Ngumisi lang ang boyfriend nya sa aming lahat. "Okay lang po. Biruan lang naman." Sabi ni Paolo Kaya't pinagpatuloy nila ang pang-aasar sa baklang haliparot! Dinig na dinig yata ang ingay at tawanan ng pamilya nila sa buong island. Grabe ang ingay!! Nagulat ako ng biglang may humimas sa likod ko. Nang mapatingin ako sa likuran ko ay nakita ko si Liza, yung kapatid ni Jordan na half Korean. "Wag mo na lang pansinin ang pang-aasar nila. Ayos ka lang ba?” mabait na tanong nya. Sobrang bait talaga ni Liza. Kinamusta pa nya talaga ang nararamdaman ko. Tama nga si Jordan na sobrang perfect ng kapatid nyang ito. “Ayos lang ako Liza, salamat! Talagang maarte lang yang kapatid nyo!!” Nilakasan ko ang boses ko para marinig ng baklang haliparot. Nagtama ang mga mata namin ni Jordan. Inarkuhan ko sya ng kilay, pero mas mataas ang pag-arko ng kilay nya sa akin. Talagang di nagpapakabog ang baklang to! “Sa susunod naman kasi mag-ingat kang bruha ka! Ang mga tanga talaga madaling nadidisgrasya!” sabi pa nya sa akin Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Tinawag pa talaga akong tanga? “Bakit? Sinabi ko bang saluhin mo ako? Bakit mo ba kasi ako sinalo? Sana hinayaan mo na lang akong nagpagulong gulong dyan sa buhangin!” mataray kong sabi. Napalunok sya sa sinabi ko. Nakita kong rumolyo ang adams apple nya sa makinis at kaakit akit nyang leeg. Hindi sya nakasagot sa akin. “Ayaw ka nyang masaktan at mahulog, yun lang yun ate!” sabi ni Migz Dumaan sa harapan namin si Migz, kaakbay ang girlfriend nya yata yun. Basta maganda sya at sexy. Pero infairness kinilig ako sa sinabi ni Migz. Umikot ang mga mata sa akin ni Jordan. Tinalikuran na nya ako at mahigpit na lumingkis sa braso ng boyfriend nya. “Bakla ka talaga!” sabi ko. Naiinis ako habang tinitignan ko silang palayo sa akin. Naiinis ako sa presensya ng Paolo na yun. Hindi kasi ako pinapansin ni Jordan kapag nariyan ang boyfriend nya. Talagang bestfriend zone na lang ako habambuhay. Nakanguso ako habang inaayos ko ang sarili ko. Pinagpag ko din ang palad ko na napuno ng buhangin dahil pinangtukod ko ito nung bumagsak ako kay Jordan. “Halika na, doon na tayo sa kwarto ko, este sa kwarto nyo pala” biro ni Leighton Napangiwi ako sa banat ng kuya nya. Hindi yata talaga titigil ang isang to hanggat hindi ako nakukuha. Hindi porket gwapo sya ay kaya na nyang makuha ang lahat ng babaeng magustuhan nya. “Hay Naku, nag-uumpisa na naman si Kuya!” sabi ko Narinig namin ang malakas na tawa ni Kate. Hawak nya ang shoulder bag nya at cellphone, ay panay ang kantiyaw nya sa kuya nya. “OMG, kuya zone na naman sya!” pang-aasar ni Kate Ngumiti lang si Kuya Leighton sa kapatid nya. Parang nang-aasar din. “Ah, nang-aasar ka ha? Oh ayan! Buhatin mo ang mga bag mong pagkabigat-bigat.!” Sabi ni Leighton sabay bagsak ng dalawang bag ng kapatid nya. Nakita kong tinawanan pa ni Leighton ang kapatid nya at hinatak nya akong palayo. Halos madapa ako sa bilis ng pagtakbo namin papunta sa kwarto ng mga girls. Hindi ko na sya nagawang pigilan dahil ang higpit ng hawak nya sa mga kamay ko. “KUYA!!” sigaw ni Kate Hindi pa rin mapigilan ni Leighton ang tawa nya ng makita ang reaksyon ng kapatid nya. “Grabe ka talaga. Kawawa yung kapatid mo, dapat binuhat mo na yung bag nya.” Sabi ko “Okay lang yan, para marealize nya na huwag magdala ng madaming damit sa susunod na outing!” sabi ni Leighton. Napatingin sa akin si Leighton. Yung mga mata nya mapang-akit na naman. Itinukod ni Leighton ang Kamay nya sa pader kaya bahagyang nakulong ako sa pwestong iyon. Tumitig sya sa akin ng mapang-akit. Sa totoo lang, kung marupok lang ako ay baka bumigay na ako sa pang-aakit ni Leighton. Pero may mas matimbang kasi sa puso ko, kaya kahit anong pagpapacute nya ay hindi umeepekto sa akin. Kahit gaano sya kagwapo, walang dating iyon sa akin eh. “Ano, wala ba talaga akong chance sayo..” Mapang-akit ang tono ng boses nya Yung mga mata ni Kuya Leighton, parang nangungusap, ang pungay. Yung labi nya ay binasa pa nya gamit ang dila nya. Yung ilong nyang sobrang tangos, ang sarap kurutin. Pero kahit kailan ay hindi naman ako naakit sa kanya. Parang kuya na rin kasi ang turing ko sa kanya. Namilog ang mga mata ko nang makita kong unti unti nyang inilalapit ang mukha nya sa akin. Naku po! Para akong naestatwa sa gagawin nya. At kung anu man ang balak nya ay sobrang tutol ang buong pagkatao ko. Pero bakit hindi ako makakilos. Konting  lapit pa nya sa akin ay mahahalikan na nya ako. Malapit na, nararamdaman ko na ang mainit nyang hininga pero hindi ako makagalaw! “Aray!!” Bigla na lang sigaw ni Leighton Nagulat ako sa lakas ng sigaw ni Leighton. Ano ba ang nangyari? Basta, nakita kong tumama ang isang pares ng tsinelas sa ulo ni Leighton. At nang tignan namin kung saan galing ang ibinatong tsinelas, ay mas ikinagulat ko nang makita ko ang bestfriend kong si Jordan na sobrang galit na galit ang mukha. Wala na rin ang isang pares ng tsinelas na suot nya. Halos dinig ko ang bawat yabag ni Jordan ng lumapit sya sa amin. Nakakatakot! Parang susugod sa giyera ang baklang haliparot!   Kinuha nya ang tsinelas at sinuot nyang muli ito. “Ang kakapal ng mukha, dito pa talaga naglandian sa labas???” galit na tanong ni Jordan Sa totoo lang ay nasaktan ako sa mga sinabi nya. Naglandian? Malandi? Alam naman nyang hindi ako ganung klase ng babae, pero ngayon ay hinuhusgahan nya ako. “Sobrang wrong timing ka bro! Andun na eh, matutuka ko na rin yung tinuka mo kanina eh, lagi ka talagang sagabal sa pagmamahalan namin ni Marian! Bakla ka talaga!” sabi ni Leighton Nakita na naman namin ang mataas na pag-arko ng mga kilay ni Jordan. “Hoy babaeng haliparot! Mula ngayon sa akin ka lang didikit ha. Alam mo naman ang ugali nitong kapatid ko di ba? Sige ka, gusto mo bang ibigay ang perlas mo dito? Lalaspagin nya lang yan, Naku! Mag-ingat ka!” sabi pa nya. Alam ko naman na talagang ganun na nga ang mangyayari kapag pinatulan ko si Leighton, hindi ko lang alam kung bakit ba hindi agad ako nakakilos kanina. At sabi nya ay lagi na daw akong dumikit sa kanya mula ngayon, magandang ideya yun. Sya lang naman talaga ang gusto kong kasama. Wala ng iba, yung bestfriend kong bakla lang na matagal ko na ring gusto ang nais kong makasama. Sana lang ganun din ang nararamdaman nya. “Bantayan mo kasi ako para hindi ako nahuhuli ng kuya mo!” biro ko sa kanya “Tse!” isang malakas na sigaw ang tinugon sa akin ni Jordan. Napakasungit naman. Nakita kong inagaw ni Jordan ang bag ko na hawak ni Leighton. Parang masisira ang bag ko sa lakas ng hatak nya dito. Galit na galit ba sya? “Tsupi! Lumayas  ka na dito! Dun ang kwarto ng boys sa kabila. Di ka na kailangan dito!” sigaw ni Jordan sa kuya nya Napakamot naman sa ulo nya ang kawawang si Leighton.  Parang nadismaya sa mga nangyari. Maya maya lang ay galit na ring sumugod kay Leighton ang kapatid nyang si Kate na iniwanan nya kanina kasama ang mabibigat nyang mga bag. “Ang sama mo Kuya Leighton, buti na lang at nandyan si Kuya Migz!” bulyaw ni Kate sa kuya nya sabay suntok sa magkabilang braso ni Leighton. Hinaharang ni Leighton ang bawat suntok ni Kate sa kanya. Pero nakangisi pa rin sya sa kapatid nya na mas lubos na nagpagalit kay Kate. Kawawa din pala si Leighton sa mga kapatid nya, parang hindi sya ang panganay. Pilyo kasi talaga ang lalaking ito kaya hindi sya ginagalang ng mga kapatid nya. “Ano? Manonood ka lang jan, pumasok ka na dito sa kwarto nyo. Magbihis ka na. Mamaya dadaanan kita dito. Huwag kang lalabas hanggat wala ako ha. Kausapin mo jan si Liza. Marami kang matututunan sa kanya!” sabi ni Jordan sabay tulak nya sa akin sa loob ng kwarto. Halos masubsob ako sa loob sa ginawa nyang pagtulak. “Baka naman makalimutan mo ako dito? At buong gabi akong di makalabas?” sabi ko Pero napameywang ang baklang haliparot sa harapan ko. “Paano kitang makakalimutan, eh buong bakasyon na to, ikaw ang iniisip ko. May alagain pa tuloy ako!” Naiinis na sabi nya Pero napangiti nya ang puso ko sa mga sinabi nya. Kinilig na naman ako sa ideyang ako ang iniisip nya ngayon. Alam ko naman na hindi nya ako kayang tiisin eh. Alam ko naman na lagi syang nakabantay sa akin, laban sa mapang-abuso nyang kuya. Bakit ba kasi ayaw pa nyang aminin na.. mahal nya rin ako? Kinikilig tuloy ako sa mga naiisip ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari yun! Sobrang saya lang talaga siguro. "Hoy! Mag-ayos ka na jan sa loob! Makatitig ka sa akin para kang nag-iilusyon!" Bulyaw pa sa akin ni Jordan. Para akong nagising sa isang panaginip sa sigaw nya. "Oo na!" Sigaw ko din Pumasok na ako sa loob ng kwarto. Tatlo pa lang kami nila Liza at Kate ang nasa loob ng kwarto. Wala pa yung girlfriend ni Migz. Parang ang saya ng bonding namin dito. Maya maya lang ay may kumatok sa kwarto. Pinagbuksan agad ito ni Liza. Nakita namin si Migz na hinatid ang kanyang girlfriend dito. Sobrang sweet naman ni Migz. "Hoy Kate! Wag mong aartehan ang ate mo ha! Lagot ka sa akin!" Pagbabanta ni Migz. Napanguso naman si Kate sa kuya Migz nya. "Hala bakit ako? Saka kahit maarte ako maiintindihan ako ni Ate, hindi kagaya mo!" Sabi naman ni Kate. Nangiti lang sa amin ang girlfriend ni Migz. Napakasweet naman nya. Masaya kaming nagkwentuhan at nagtanungan tungkol sa buhay buhay. Inihanda ko ang isusuot kong swim suit. Pumasok muna ako sa banyo para magpalit. Suot ko ang High waist strapless sexy bikini swimsuit. Ay ang bongga pala nitong nadala ko. Lumitaw ang hubog ng katawan ko. Paglabas ko ng banyo. "Wow!" Sabi nila sa akin. Hala sila! Parang ngayon lang nakakita ng babae. "Sexy! Magiging lalaki na talaga si Kuya Jordan nyan!" Sabi ni Kate Maloko talaga ang batang to. "Sorry pero si Kuya Leighton ang naiisip ko kapag lumabas ka. Maglalaway na naman yun." Dagdag ni Liza "Naku! Hayaan nyo lang ang kuya Leighton nyo. Hindi naman sya makakaisa sa akin eh!" Sabi ko sabay kindat sa kanila. Tumayo ang girlfriend ni Migz at ngumiti sa amin hawak ang pamalit nya ring swimsuit. "Can I use the toilet?" Magalang na tanong nya. "Yes. Sige lang!" Sabi ni Liza. Napatingin ako sa salamin. Magustuhan kaya ito ni Jordan. Naku! Baka sabihin lang ng haliparot na yun na mas bagay sa kanya ang swimsuit na ito! Lumabas na rin ang girlfriend ni Migz at maya maya lang ay sinundo na rin sya ni Migz. Ilang saglit pa ay si Liza naman ang may sundo sa labas. Ang super hottie na boyfriend nya. Dahil sa tagal mag-ayos ni Kate ay naiwan kaming dalawa sa kwarto. Ang dami nyang mga dala dala. Ang dami nyang pinagpilian. At nang makapagbihis na sya ay nagpaalam na din sya sa akin. "Halika na ate!" Pagyaya nya sa akin Umiling ako at ngumiti ako sa kanya. "Sige mauna ka na, hintayin ko pa si Jordan!" Sabi ko "Naku nagpapaniwala ka naman sa baklang kuya ko na yun! Sige bahala ka ate kung ayaw mo pa sumama!" Sabi ni Kate. Naiwan nga akong mag-isa sa kwarto. Sabi ko na eh, matatagalan ang baklang haliparot na yun sa pagsundo sa akin. Sumalampak ako sa kama at matiyagang hinintay si Jordan. Pero hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nakaidlip ako dahil sa sobrang pagod sa byahe. Maya maya lang ay naramdaman kong may humahagod sa likuran ko. Malamig ang mga kamay ng humihimas sa likod ko. Pagmulat ng mata ko ay nakita ko si Jordan na nakatitig sa akin. Ngumiti ako dahil napakaganda din ng mga ngiti nya sa akin. Hindi ko nakikita ang baklang haliparot sa awra nyang ito. "Ang ganda ganda mo naman!" Sabi nya sa akin. Bakit parang tumalbog ang puso ko sa mga sinabi nya. Sya lang talaga ang nakakagawa ng ganito sa puso ko. Sya lang ang nakakapagpangiti sa puso ko. Hinawakan nya ang pisngi ko. Bigla akong kinabahan. Hahalikan ba nya ako? Nararamdaman ko naman na importante din ako sa kanya eh, ayaw nya lang aminin. Baka nahihiya pa sya sa ngayon. Pero maghihintay pa rin ako sa kanya. Dahan dahan nyang nilapit ang mukha nya sa akin. Kitang kita ko tuloy ang bawat detalye ng buong mukha nya. Yung puso ko, parang tinatambol sa sobrang saya at sobrang kaba! "Shuta ka! Magshort ka nga ! Kita na kaluluwa mo!!" Bulyaw nya sa akin. Napakamot ako sa ulo ko. Akala ko pa naman mangyayari na ang matagal ko ng inaasam. Tumayo sya at kumuha ng maong short sa bag ko. Hinagis nya sa akin iyon at pilit na pinasuot sa akin. "Bakla ka talaga!" Sabi ko Nagkatinginan kami at sabay na tumawa ng malakas. Kahit kelan ay hindi ko ipagpapalit ang bestfriend ko sa kahit na sinong lalaki dyan. Sya lang ang gusto ko. Sya lang ang mahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD