Jordan Dalawang buwan ang lumipas ay hindi na maitago pa ang lumalaking tiyan ni Marian. Marami ang nagulat sa balitang ako ang ama ng dinadala nya. Marami ang nagtaas ng kilay ngunit wala akong pakialam sa kanila. Gusto ko pa ring magpropose kay Marian upang mas lalong maging memorable sa kanya ang lahat. Gusto ko syang sorpresahin. Bumili ako ng simple ngunit talagang napakagandang engagement ring para kay Marian. Sobrang ligaya ng puso ko habang hawak ko ang singsing para sa kanya. Nakahanda na rin ang lahat para sa isang selebrasyon. Pagdating ko sa bahay ay mas natuwa pa akong lalo dahil sa ingay na naririnig ko. Nasa labas pa lang ako ng bahay namin ay alam kong nagkakasiyahan sila sa bahay. Naririnig ko ang bunganga ni Kuya Leighton eh. Mukhang masaya yata silang nag-uusap u

