Jordan Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko maimulat ang mga mata ko dahil natatakot ako sa maaari kong masaksihan kung nasaan ba talaga ako. Ang alam ko lang ay bihag ako ng mga sindikatong BuLeAg gang! Basta nararamdaman ko na may nagpapaypay sa akin para magkaroon ng kahit kaunting hangin sa paligid. Ang alam ko rin ay nakaupo ako sa isang malambot na silya. Kumportable ako sa pagkakaupo ko dahil nga malambot ito. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa silya na ito. Binuhat nila ako? s**t! Naramdaman ko ang pagkabig ng isa sa kanila, sa ulo ko at inihilig nya ito sa parte ng katawan nya. Sa balakang? Pakiramdam ko kasi ay nakatayo sya. Sa itsura namin ay parang yakap yakap nya ako. Pero bakit? Ganito ba talaga ang mga miyembro ng BuLeAg gang? Parang inaalagaan pa nila ako?

