Jordan Infairness sa haliparot kong bestfriend, ang galing nyang pumili ng masarap na restaurant. Alam nya talaga na mahilig ako sa American food, at American size! Charot! Habang pumipili ako sa menu... "Paano mo naman nalaman ang lugar na to?" Tanong ko Baka kasi kung sino sinu na pala ang dinala nya dito. Kaasar ang ganung ideya. Ewan! Bakit ko ba naiisip ang mga bagay na ito. Basta naaasiwa ako sa tuwing naiisip ko na mayroon syang ibang kasama! Patuloy lang sya sa pagbabasa ng menu habang hinihintay ko ang sagot nya. "Nagsearch ako kay Mr. Gugul (google). Hinanap ko yung pinakamasarap at pinakamalapit na American resto dito. At voala! Eto ang nahanap ko. Welcome to The Capital Grille Steakhouse! Ang pinakamasarap na steak in town!" Sigaw nya. Sa pagkakasigaw nya ay pinag

