Jordan Isang malamig na hapon... Tinipon kami nina Mama at Papa sa may sala. Magkakatabi kaming nakaupo nina Kuya Leighton, Kate at ang maganda nyong lingkod sa may sofa. Hindi pa rin namin nakakasama ang aming kapatid na si Migz dahil hindi pa tapos ang pag-aaral nya sa ibang bansa. "Anong meron? Bibitayin na ba tayo?" Pagbibiro ko "Kuya, puro ka talaga kalokohan." Wika naman ni Kate Seryoso ang mukha ni Kuya Leighton at hindi na sya nakikisama sa mga biruan namin. Biglang matured ganun? Simula ng magkapamilya sya ay mistulang hindi na sya mabiro. Pero ayos na din iyon para maiba naman. Tama lang din yon dahil sa edad at estado ng buhay nya ngayon ay dapat lang na maging serious na ang peg nya. "Bakit mama? Ano po yung mahalagang pag-uusapan natin?" Tanong ni Kuya Nagkating

