SCARLET POV "Ano ka ba? Wag mo iyong isipin Sis! Ang importante naman dito ay maibalik ko ang favor ko sayo at sa mga tropa natin. Anyway, naka yes ka na at wala na yang bawian ha? At tsaka gusto ko lang din makita ang bago mong phone." "Yes, advance talaga ang sahod ko sa bilyonaryo kong Uncle at sunod ako sa uso!" "Nako, paano yan, yung mokong mong ex-boyfriend, sigurado akong nalulugmok na siya ngayon sa inggit sayo. Kung naging faithful lang sana si Jason sayo, sana may kayo pa rin!" Kumulo bigla ang dugo ng marinig ko na naman ang pangalan ng mokong kong ex. "Ang tanong Scarlet, mahal mo pa ba siya?" biglaang tanong ni Casey sa akin. Sinagot ko naman siya dahil isa siya sa mga kaibigang ayaw kong paglihiman ng sikreto, "Well, mahal ko pa naman siya pero kasi mahirap nang maiba

