CHAPTER 1
"Napakaganda talagang tingnan ng sunset" sabi ko ng nakangiti
Andito kami sa dalampasigan nakaupo sa puno ng niyog na ginawang upuan ng mga nagpupunta dito sa pampang. Dito sa pwesto kasi na eto ang perfect spot para makita ng maayos ang paglubong ng araw. Nasa kabilang banda ang mga nangingisda.
"Mamimiss kong pagmasdan ang sunset dito sa probinsya natin" sabi ni nica na medyo malungkot ang tono
"Bakit? Saan ka ba pupunta?" tanong naman ni cha na nagtataka
"Hindi na yata ako mag aaral ngayong susunod na pasukan" sabi ni nica yumuko ng malungkot
"Nica bakit may problema ba?" tanong ko
"Sheena, Cha" sabi ni nica na tumingin samin na nangingilid ang mga luha "Buntis ako" at tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha.
Hindi namin akalain ni cha na buntis ang kaibigan naming si nica dahil hindi nya naikkwento na meron syang boyfriend. Niyakap namin sya at pinatahan. Mali man, pero kailangan naming intindihin ang sitwasyon ng kaibigan naming si nica.
"Sorry guys hindi ko sinabi sa inyo meron akong boyfriend *sobs* 2 weeks pa lang ng maging kami. Sya si Ralph, nakilala ko sya nung *sobs* namalengke kami ni mama sa bayan. Isa sya sa mga tindero doon hiningi nya ang number ko at binigay ko dahil mukha *sobs* naman syang mabait. Ilang linggo din kaming nagkakatext at tawagan hanggang sa gusto nyang magkita kami pumunta ako *sobs* sa bayan para makita sya at ayun dun na nangyare. Ginawa *sobs* namin 'yun dahil nadala kami sa pagmamahal namin para sa isa't-isa" kwento ni nica na umiiyak
"Alam ba nyang buntis ka?" tanong ko'ng nag aalala
"Oo alam nya, masaya sya na magiging tatay na sya pero ako *sobs* mahal ko sya pero hindi pa 'ko handa *sobs*" sagot ni nica na patuloy pa din ang pag iyak "Sinabi nya na uuwi daw kami sa kanila sa dumaguete *sobs* dun daw namin palalakihin ang baby namin" dugtong pa nya
"Hay naku nica alam mo bang ang sarap mong tuktukan?! Inilihim mo sa lahat pati samin ni sheena tapos ngayon iiyak iyak ka at sasabihin mong hindi ka pa handa?" sabi ni cha na mukhang naiinis kay nica
"Hindi ko sinasadya" sabi ni nica na patuloy pa din sa pag iyak
"Hindi mo sinasadya na pumunta sa bayan at sumama sa boyfriend mo?" sabi ni cha na seryosong nakatingin kay nica
"Alam mo cha wala ka kasi sa posisyon ko!" sagot naman ni nica na tumingin din kay cha
"Guys hindi eto ang tamang panahon para magtalo. Wala na tayong magagawa andyan na 'yan" sabi ko at hindi na umimik ang dalawa.
Naglalakad na kami pauwi. Tahimik lang kaming naglalakad na parang walang gustong magsalita. Hahayaan ko na lang muna.
"Dito na 'ko nica, cha mag iingat kayo pauwi" sabi ko at pilit na ngumiti sa dalawa tsaka naglakad papasok sa bakuran namin at diretso pumasok sa pinto na hindi na nililingon ang dalawa.
"Anak halika na kumain na tayo ng hapunan habang mainit pa 'tong sabaw" lumapit ako kay mama tsaka nag mano.
"Wow ma! Paborito ko 'to ah!" sabi ko at humigop agad ng sabaw ng sinigang na baboy
"Niluto ko 'yan para sayo, netong mga nakaraang araw kasi busy ka masyado sa school. Ngayong bakasyon na gusto ko na bumawi ka naman sa pagkain mo anak" sabi ni mama na mukhang nag aalala. Lumapit ako tsaka niyakap si mama at nagpasalamat.
Umupo na 'ko at kumain na kami ni mama.
"Oo nga pala anak si lola nessa mo at tito mark dito daw magbabakasyon ng dalawang linggo sa probinsya natin. Kasama daw ni tito mark mo ang bestfriend nya na mayor ng cebu pati ang pamilya nya. Makiki fiesta daw sila" sabi ni mama na mukhang excited
"Mayor ng cebu? Talaga ma? Kung ganun saan naman po natin sila patutuluyin? Dalawa lang ang kwarto natin dito ma nakakahiya naman kung sa sala lang natin sila patutulugin" sabi ko
"Nagpapahanap nga ang lola nessa mo ng matutuluyan nila ng pansamantala" sabi ni mama
"Dyan na lang sa dorm ni mang lando ma mas okay siguro dun"
Pagtapos namin mag usap ni mama nagligpit na 'ko ng pinagkainan namin at pumasok na sa kwarto para magpahinga.
Kinabukasan paglabas ko ng kwarto ay sibalubong ako ni mama "Anak si Nica 'yung kaibigan mo buntis pala?" Tanong ni mama sakin nagtaka ako kung paano nalaman ni mama
"Ma paano nyo po nalaman?" Tanong ko
"Kanina kasi pagkagising ko pinapalayas sya ng tatay nya kasama nya 'yung lalaki at ayun nga nalaman ko na kaya pala sya pinapalayas dahil buntis" sabi ni mama
Nagmadali ako at pumunta ako sa cr para maghilamos at pagtapos ay lumabas sakto naman pagbukas ko ng pinto at papunta si cha dito sa bahay
"Sheena pinalayas na si nica sa kanila kasama nya 'yung boyfriend nya hindi na 'ko nakapag paalam at nakapag sorry sa kanya kasi pagkagising ko tsaka lang din sinabi sakin ni mama" salubong sakin ni cha na naiiyak "Naiinis pa ako sa kanya kagabi tapos ngayon hindi pa kami nakapag ayos umalis na sya" dugtong ni cha at tuluyan ng umiyak. Niyakap ko na lang si cha at umupo kami sa bakuran namin.
"Tahan na kokontakin na lang natin si nica sigurado ako na hindi ka naman nya matitiis at pagbibigyan ka din nya/tayo. Diba sabi ni nica tayo lang ang kaibigan nyang tunay" Sabi ko at niyakap pa ng mahigpit si cha pampalakas ng loob nya.
Nakakalungkot man pero wala kaming magagawa, si nica kasi sa aming magkakaibigan sya ang pinakamaraming pangarap sa buhay. Gusto nya maging teacher dahil gustong gusto nyang magturo at maiahon ang buhay nila sa kahirapan.
Lumipas ang ilang araw unti-unti na ding nakakalimutan ang nangyari kay nica pero si nica tuluyan ng sumama sa boyfriend nya sa dumaguete. Kinontak namin sya ni cha at nagkaayos naman sila.
Andito ako naglilinis sa bakuran namin mamayang gabi na daw kasi ang dating nila lola nessa dito sa amin. Naeexcite akong makita ulit si lola nessa at si anak nyang si tito mark. Bata pa kasi ako ng huli ko silang makita.
"Sheena anak" tawag sakin ni mama sa loob ng bahay. Dali dali akong pumasok at nakita ko si mama na may kausap sa cellphone, si papa.
"Anak kakausapin ka daw ng papa mo eto oh" at binigay sakin ni mama ang cellphone.
"Pa kamusta kana dyan? Sobrang miss kana namin ni mama. Hindi ka pa ba uuwi dito pa?" Sunod-sunod kong tanong kay papa.
"Okay lang ako dito sheena anak. Hayaan mo sa susunod na buwan mag leleave ako para makauwi dyan. Sobrang busy lang kasi dito sa opisina 'nak dahil sa sobrang daming kailangang ayusin" paliwanag naman ni papa
"Okay lang pa naiintindihan ko naman po mag iingat ka palagi dyan pa. I love you po" sabi ko atsaka binigay kay mama ang cellphone. Lumabas ako at nagpatuloy maglinis
Mga alas tres na kami ni mama natapos sa paglilinis at pag aayos ng bahay. Kakauwi lang din namin galing sa bayan para mamalengke dahil magluluto si mama ng masarap na ulam na paborito ni lola nessa, humba at menudo.
Nagpaalam na ako kay mama kasi pupunta na kami ni cha sa tabing dagat para maghintay ng sunset. Sa pagluluto, mas gusto ni mama na sya ang magluto at maghahain para meron naman daw syang pagkaabalahan.
Pumunta na kami ni cha sa tambayan namin at naghihintay ng paglubog ng araw. Napakarami pa naming napagkwentuhan hanggang sa lumubog na ang araw at unti-unting dumilim. Nagpasya na kami ni cha na umuwi at habang naglalakad nakikita namin sa malayo ang magandang van na nakaparada sa bakuran namin.
"Sheena meron ba kayong bisita? Ang ganda naman ng sasakyan! mukhang mamahalin!" tanong ni cha
"Sila lola nessa 'yan kasama si tito mark pati na din ang bestfriend ni tito mark at ang pamilya nya" sagot ko
Nagpaalam na ako kay cha at pumasok na bakuran namin. Oo nga tama si cha mukhang mamahalin 'tong van at napakaganda pa. Pumasok na ako sa loob at naabutan ko ang lahat na nakaupo sa sala. Nagulat naman sila sa pagpasok ko at lumapit ako kay lola nessa para magmano.
"Apo ang ganda mo na lalo, dati lang napakaliit mo pa ngayon napakaganda mo ng dalaga" sabi ni lola nessa na masayang makita ako at niyakap.
"Salamat po lola nessa hehe" sabi ko at pumunta kay tito mark para magmano.
Tumingin ako at binati ng magandang gabi ang mag asawa na kaibigan ni tito mark at bumati din sila. Ang ganda at ang gwapo nilang tingnan para silang mga artista. May kasama silang lalaki na sa tingin ko ay anak nila. Feeling ko parehas lang kami ng edad. Ngumiti ako sa kanya pero tiningnan nya lang ako. Ang sungit naman neto ang gwapo na sana eh.
"Apo, sya si Jay ang anak ni tito robert at tita carmen mo" sabi ni lola nessa ngumiti na lang ako kay lola nessa at tiningnan ulit ang anak nila. Nakatingin pa din sya sakin. Ang dungis ko bang tingnan? May dumi ba ako sa mukha? Nagpaalam ako at pumasok muna sa kwarto. Narinig ko naman sila na nagkayayaan ng kumain. Tinawag na din ako ni mama pero sinabi kong susunod na lang ako.
Tumingin ako agad sa salamin kung meron ba akong dumi ba sa mukha pero wala naman at maayos naman. Siguro nanibago lang sya na makakita ng probinsyana. Lumabas na ako at umupo sa mesa.
Umupo ako sa pinakadulo ng mesa at katapat ko pala si jay na nakatingin pa din sa sakin ng walang emosyon. Bakit ba sya tingin ng tingin sakin? Nakakailang lang dahil ang gwapo nya at ang bango pa hihi
Ako, Mama, Lola Nessa, Tito Mark
-------------------------------------------------------
Jay, Tita Carmen at Tito Robert
Ayan ang ayos ng upuan namin ngayon. Ewan ko ba pero nahihiya akong sumubo ng pagkain ko na tinitingnan ako ni jay. Naaalibadbaran ba sya sa pagmumukha ko?
"Jay ano maganda ba si Sheena?" sabi ni tito mark sabay tawa at nagtinginan ang lahat sa amin. Tiningnan ko si jay na sabay iwas ng tingin at namumula ang mga pisngi. Ang gwapo lang >_<
"Yes sheena is really beautiful at mukhang artistahin pa. Why don't you join modeling iha?" Tanong ni tita carmen sakin. Maganda at Artistahin? Boto ba sakin sila tita? Char
"Ah hindi po tita carmen marami po kasing inaasikaso sa school" sagot ko na medyo nahihiya dahil sa ganda ni tita carmen.
"Iha kung gusto mo magsabi ka lang sakin marami akong kakilala sa cebu. Ipapasok kita sa modeling industry sobrang bagay sayo 'yun dahil maganda ka, matangkad, sexy at ang kinis kinis mo pa" Sabi ni tita carmen. Nakakahiya naman feeling ko nambobola na si tita carmen
"Hehehe salamat po tita" sagot ko na lang dahil puring puri ne 'ke mesyede
Pagtapos kumain lumipat na sila lola nessa sa sala kaya ililigpit ko na ang mga pinagkainan namin.
"Sheena anak puntahan mo na si Mang Lando sabihin mo na andito na sila lola nessa, mag sstay sa dalawang kwarto ng dorm" sabi sakin ni mama
"Okay po sige ma" sabi ko at pumunta sa lababo at naghugas ng kamay. Pagkadaan ko sa sala biglang nagsalita si tito robert
"Iha pupuntahan mo na ba 'yung dorm na pagtutuluyan namin?" tanong nya
"Opo tito mabilis lang po ako para makapagpahinga na din po kayong lahat" sagot ko
"Jay samahan mo na si sheena papunta dun para makapili kana din ng kwarto na pag sstayhan natin" utos ni tito robert kay jay at agad naman tumayo si jay kaya lumakad na 'ko palabas si jay naman nakasunod lang sakin.
Habang naglalakad kami ni jay ay tahimik lang sya feeling ko hindi nya gustong sumama.
"Jay bumalik kana lang sa loob sigurado akong pagod ka" sabi ko
"Ah no its okay" sabi nya tsaka tumingin sakin at ngumiti ng kunti. Uurgh My heart melts?
"Eto na 'yung dorm nila mang lando, okay lang ba sayo dito?" Tanong ko kay jay habang nakatingin kami sa building type na dorm ni mang lando. Tumango naman si jay kaya pumasok na kami.
"Ayo! Mang Lando?"
"Oh sheena ikaw pala. Oh may kasama ka boyfriend mo? Hahaha" sabi ni mang lando paglabas ng pinto
"Hala uy hindi po mang lando talaga. Sya po si Jay anak po sya ng bestfriend ni tito mark. Sila po 'yung mag sstay dito po sa dorm nyo" sabi ko na nahihiya sa pang aasar ni mang lando samin ni Jay.
"Hahahaha oo naman inaasar lang kita pero sayang bagay sana kayo"
"Mang lando tama na po nakakahiya" sabi ko
"Hahaha oh sige titigil na. Tara pumili ka iho ng pag sstayhan nyo" sabi ni mang lando at pumasok kami sa loob. Tatlong palapag ang dorm na 'to at sa bawat palapag merong tig tatlong kwarto. Malalaki ang bawat kwarto. Lahat family size. Kung tutuusin pwede na 'to maging hotel pero ayaw ni mang lando na hotel ang itawag dito dahil pang sosyal daw 'yun kaya mas gusto nyang dorm ang itawag.
Pumili na si Jay ng kwarto pinili nya sa 3rd floor para sa overlooking na dagat. Dalawang kwarto ang nirent nya para sa kanila ng pamilya nya at kina lola nessa at tito mark.
Papunta na sila lola nessa dun sa dorm. Nagpaalam na sila at nag goodnight. Si tita carmen nag beso pa kay mama pati sakin bago lumabas ng bahay. Kami na lang ni mama ang andito sa bahay kaya nagligpit na kami para makapagpahinga na.
Kinabukasan nagising ako sa bango ng niluluto ni mama sa kusina. Sinangag na kanin, Itlog, Pansit at Tuyo. Lumabas ako ng kwarto para matulungan si mama sa paghahanda.
"Good Morning ma, ang dami nyo pong niluto at ang sasarap pa" bati ko kay mama na naghahain na sa mesa.
"Anak saktong sakto puntahan mo sila lola nessa dun sa dorm papuntahin mo dito at kakain na tayo. Kagabi kasi sabi ni tita carmen mo gusto daw nya matikman ang umagahan natin dito sa probinsya" sabi ni mama habang isinasalin 'yung pansit. Kaya naghimalos na 'ko at nagbihis. Nakapantulog pa kasi ako.
Lumakad na 'ko papunta sa dorm. Binati ko ng magandang umaga si mang lando sya kasi ang nasa front desk. Pinayagan nya naman akong pumasok at pumunta sa floor nila lola nessa. Una kong kinatok 'yung kwarto nila lola nessa at tito mark, susunod na daw sila. Sunod kong kinatok ang kwarto nila tita carmen at tito robert.
*Tok tok* "Tita carmen tito robert? Si sheena po 'to"
*Nagbukas ang pinto* Si jay ang nagbukas. Naka top less sya at nakabalot ng tuwalya 'yung bandang ibaba na halatang kalalabas lang galing sa cr. Nataranta akong makita si jay dahil ang hot nyang tingnan?
"Ah sila tita carmen at tito robert nasan?" sabi ko at kunwari sumilip sa loob. Bigla naman sumagot si tita carmen mula sa loob at sumilip sa may pinto "Oh hi sheena good morning" bati sakin ni tita carmen.
"Hi po tita carmen good morning po. Pinapasabi po ni mama na kakain na daw po tayo ng umagahan. Sumunod na lang po kayo tita carmen at tito robert" sabi ko at narining kong sumagot naman si tita carmen na susunod na daw sila at umalis na 'ko.
Habang bumababa ako ng hagdan pinagpapawisan ako. Ewan ko ba uminit bigla ang atmosphere.
Kumakain na kami ng almusal at mukhang nagustuhan nila tita carmen at tito robert, nagkakamay pa nga sila. Nakakatuwa lang tingnan na nagustuhan nila 'yung inihanda namin. Si jay mukhang nasasarapan din lalo na sa tuyo kaso lang hindi yata marunong mag kamay dahil naka kutsara't tinidor sya.
"Jay I think kailangan mong matutong kumain ng naka kamay. Subukan mo anak mas ma eenjoy mo ang pagkain" sabi ni tito robert
Tumingin si jay sakin tsaka iginilid 'yung kutsara at tinidor nya at sinubukang kunin 'yung kanin gamit ang kamay. Nakakatuwa syang pagmasdan para syang bata na nagsisimulang matutong kumain.
"Matututunan mo din 'yan anak. Is it okay?" tanong ni tita carmen. Tumango lang si jay at nagpatuloy sa pagkain.
"Anyway siguro bukas na lang tayo lumibot dito sa siquijor. Okay lang ba sa inyo?" sabi ni lola nessa
"Yes lola okay lang po sa ngayon gusto ko munang magpaturong magluto kay sonya dahil ang sasarap ng pagkain na siniserve nya satin simula kagabi" sabi ni tita carmen at tumingin kay mama
"Talaga nakakatuwa naman marinig 'yan. Oo sige tuturuan kitang magluto mamaya" sabi ni mama
Pagtapos namin kumain nagligpit na 'ko pinagkainan namin. Habang naghuhugas may narinig akong motor na pumarada sa bakuran namin. Sino kaya 'yun? Wala naman kaming iniexpect na bisita ngayon.
"Tao po! Ay Magandang umaga po sa inyong lahat"
Lumingon ako at nakita ko si kian na nasa pinto. Kaya dali dali akong naghugas ng kamay at pumunta kay kian. Wala kasi si mama nasa labas ng bakuran namin kaya sila lola nessa, tita carmen, tito mark at jay lang ang nasa sala nakaupo.
"Kian hindi mo sinabi mo na pupunta ka, halika pumasok ka" sabi ko
"Lola nessa, tito marj at tita carmen sya po si kian k---"
"Boyfriend mo?" tanong ni tito mark
"Hindi po tito. Sya po si kian kaibigan ko po sya" sabi ko at nagpakilala din si kian sakto naman ang pagpasok ni mama kaya nagulat syang makita si kian.
"Kian ikaw pala"
"Hi po tita magandang umag po" sabi ni kian at nagmano kay mama. Ipinaalam ko sa kanila si kian at dumiretso kami sa kusina.
"Kian pupunta ka pala hindi ka nagsabi" sabi ko at napatingin sa sala at nakita kong nakatingin samin si jay. Bakit sya nakatingin? Nakikichismis ba sya?
"Ah tumawag ako pero hindi mo sinasagot hehe" sabi ni kian at humawak pa sa batok nya
"Ganun ba, sorry nasa kwarto 'yung phone ko at nag aasikaso kasi kami ni mama kanina dahil andito sila lola nessa, tita ni mama"
"Okay lang kaya dumiretso na 'ko dito. Yayayain sana kitang mag rides pero mukhang hindi ka pwede" sabi ni kian na medyo malungkot ang tono
"Hmm okay sige mag rides tayo ngayon" sabi ko at tumingin ulit sa sala at nakatingin pa din samin si jay. Galit ba sya?
"Talagaa!" sabi ni kian na medyo napalakas pa ang tono ng boses kaya napatingin silang lahat sa pwesto namin.
"Oo pero hintayin mo na lang ako. Ililigpit ko lang 'tong mga pinagkainan namin tapos maliligo na 'ko" sabi ko kay ian at hinarap na ang lababo.
"Tulungan na kita" sabi ni kian at hinawakan ang mga plato
"Kian wag na, maupo kana lang muna dun sa sala at hintayin mo na lang ako" sabi ko
"Okay lang please let me help" sabi ni kian na nagpapacute pa. Kung hindi lang 'to cute eh
"Hays ang kulit mo talaga oh sige tulungan mo 'ko tanggalin mo na lang 'yang jacket mo para hindi mabasa" sabi ko at tinanggal na nya ang jacket nya at inilagay sa upuan napatingin naman ako ulit sa sala at ganun pa din nakatingin pa din si jay dito samin ng walang expression. Ano 'yun? Simula pa kanina nakatingin lang sya samin? Weird.
After mga 1 hour natapos na 'kong maghugas at maligo. Pagtapos kong mag ayos nakita ko si kian kinakausap ni mama. Lumapit ako sa kanila at nagpaalam na kay mama na magrirides lang kami, pumayag naman si mama basta wag lang magpapagabi. Nadaanan namin sa sala sila lola nessa at nagpaalam din ako sa kanila na aalis muna kami ni kian at sinabihan nila kaming enjoy at mag iingat. Paglabas namin ng pinto andun pala sa bakuran si jay may kausap sa cellphone nya at napatingin saming dalawa ni ian na kalalabas lang. Napako ang tingin ko kay jay dahil ang gwapo nyang pagmasdan lalo na't naarawan sya sa pwesto nya.
"Sheena okay ka lang ba?" tanong ni kian sa likuran ko. Nahimasmasan naman ako bigla kaya nagpatuloy na sa paglakad. Pagdaan namin kay jay nagtama ang mga mata namin.
Ang ganda ng araw ngayon perfect etong rides namin ni kian. Dito kami ni kian huminto sa capilay. Bumaba kami at umupo sa isa sa mga benches na malapit sa dagat.
"Sheena salamat at sumama ka sakin ngayon" sabi ni kian na nakatingin sa dagat. Lumingon ako sa kanya tsaka nagtanong.
"Okay ka lang ba kian?" tanong ko. Tumawa sya ng mahina tsaka yumuko. Alam kong hindi okay si kian.
"Alam mo sheena hindi ko alam kung kakayanin ko ba kapag tuluyang nag divorce sila mommy and daddy" sabi ni kian na halatang malungkot
"Kailangan kong maging malakas lalo na sa kapatid kong si ken. Magiging mahina sya kung makikita nyang mahina ang kuya nya" patuloy pa nyang sinabi
"Alam kong malakas ka kian at naniniwala akong malalampasan nyo etong pagsubok. Magiging maayos din ang lahat kaya tatagan mo lang ang loob mo lalo. Andito lang akong kaibigan mo na mapagkakatiwalaan mo" sabi ko tsaka lumapit kay kian at niyakap sya.