The Confusing Dream

1140 Words
Nagtagal pa ng ilang oras si Mr Sebastian kasama si Faith sa labas ng ICU. “Umuwi ka na Mr Sebastian, alam kong pagod ka sa buong maghapong trabaho”, wika niya dito. “Let’s go home together, hindi kita iiwan dito ng mag isa”, anas nito sa kanya. “Okay lang ako dito. Nangako na ako kay lola na hinding-hindi ko na siya iiwan kahit isang segundo pa”, sagot niya dito. “Then, how are you supposed to sleep here? You’re harming yourself alam mo ba iyon? magkakasakit ka niyan kung ipagpapatuloy mo pa ito. May doctor at mga nurse na tumututok ngayon sa lola mo Ms Torres, hindi mo kailangan isakripisyo ang kalusugan mo dito sa labas”, mahabang wika ng lalaki. “Nais kong narito kaagad kapag gumising na si lola, baka magising na siya mamaya kaya I’ll stay here”, nagmatigas pa siya. “Ms Torres, the nurses will call us when your lola will be awake, okay? Let’s go home for now and get some rest, babalikan natin si Lola early morning tomorrow”, anas pa rin ng binata na hinawakan na siya sa kamay. Ngunit binawi niya ang kamay niyang hawak ng lalaki. “Ano na ba tayo Mr Sebastian para iuwi mo ako sa bahay mo? are we couple now? Ni hindi natin matawag ang isa’t isa sa mga first name natin , naka last name basis pa rin tayo, Ms Torres at Mr Sebastian pa rin ang tawagan natin. We’re just merely friend, we’re just an acquintance, a s*x partner perhaps bound under a deal?”, nang-uuyam niyang wika dito. Tiningnan siya ng matiim ng lalaki sa mukha. Pinigilan niyang huwag malaglag ang nagbabadyang luha doon. “At sa totoo lang Mr Sebastian, I only agreed to go out with you that night and have s3x with you, because I was so curious kung ikaw ba talaga ang pinapaniwalaan kong namatay kong nobyo, but I was wrong, hindi ikaw si Ced. At pinaparusahan na ako ng panginoon sa nagawa ko, si Lola, napahamak dahil sumama ako sa iyo, kaya please leave me alone!”, mariin na wika niya sa lalaki, hindi na niya napigilang umiyak. Niyakap siya ng lalaki, wari’y hindi alintana ang mga sinabi niya. “Shh.. tahan na, okay. Aalis na ako, Pero matulog ka sa room ng lola mo kapag inaantok ka na okay? Babalikan kita bukas ng maaga. Pinahid pa nito ang mga luha niya sa pisngi. Lumambot naman agad ang puso ni Faith sa mga gestures na pinapakita ng lalaki. Ganito ka maasikaso si Ced noon. “I’m sorry”, tanging na wika niya sa lalaki, hindi alam kung para kay Greg na yakap siya ngayon o para kay Ced ang sorry niya, perhaps both. Nagtagal pa ng ilang oras ang lalaki kasama niya. Kung matigas siya ay mas matigas ito. At alam niyang pagod na ito kaya nag desisyon siyang pumasok na sa loob ng ICU room at doon mag kulong para umuwi na itong lalaking ito. “I’ll go inside. Magtatagal ako doon kaya umuwi kana, okay? At mag-ingat ka sa daan”, paalam niya dito. Akmang hahawakan ang kamay niya ng lalaki pero tumalikod na siya. Hindi na niya nilingon muli ang lalaki. Nang nasa loob na siya ng ICU kasama ng lola ay napaiyak na naman siya, hindi maubos-ubos ang luha niya dito. Naaawa siya sa lola niya at nag sisisi. Nalilito din siya sa buhay pag-ibig niya ngayon, nahuhulog siya kay Mr Sebastian na hindi niya alam kung anong label na ang meron sila. Punan pa ang kasalanan ng kompanya nito na nagdulot ng sakit sa lola niya na hindi niya alam kung hihingi siya ng danyus o pagbabayarin ito dahil sa kapabayaan. Hindi siya galit kay Mr Sebastian, hindi din niya magawang sisihin ito. Marami siyang pangamba para sa lola at sa sarili at nalilito rin siya. Habang hawak ang mga kamay ng lola niya ay pumikit na muna siya. Gusto niyang ipahinga ang utak kahit sandali. Pero sa paggising niya ay wala si Ced sa tabi kaya ay hinanap niya ito sa buong bahay. Nakita naman niya ito, nasa kusina at nagluluto pala ng paborito niyang ulam. “Good morning sunshine!”, bati agad nito sa kanya sa napakatamis na ngiti. Agad niya itong niyakap ng mahigpit, baka kasi mawala na naman ito na parang bula. “Akala ko ay iniwan mo na naman ako”, maiiyak na sabi niya dito. Hinarap siya nito at kiniss sa noo at sa lips “Hinding-hindi na ako mawawala pa, my love”, anas nito sa kanya. Napangiti siya dito. Sana’y ganito lagi, masaya sa piling ng pinakamamahal mo. Ngunit isang saglit pa ay dumating ang sekretary ni Mr Sebastian. Nalito tuloy siya kung bakit nandito ito ngayon. “Sir, we have an emergency board meeting, we have to go now!”, anito kay Ced. “Wait! bakit may meeting ka? at bakit narito ang sekretary ni Mr Sebastian?” Ngunit ang kasunod niyon ay narinig niya ang tunog ng makina sa loob ng ICU. Nagising si Faith. Nakaidlip pala siya sa tabi ng lola niya. Minagmasdan niya ang lola, mahimbing pa rin ito. At naalala niya ang panaginip. Ano kaya ang ibig sabihin niyon? o baka likha lamang iyun ng kanyang nalilitong puso at utak. Ikinabit balikat na lamang niya iyon. Nang mag tatatlong oras na siya sa loob ay lumabas na rin siya ng ICU, hindi pa rin siya pwedi magtagal sa loob, although pag gabi ay pwedi siya manatili ng mas matagal. Bumalik siya sa inupoang silya sa labas at doon nanatiling naka-upo hanggang nag-umaga na. ———- Greg’s POV Wala na siyang magawa kundi umuwi ng hindi na talaga lumabas ng ICU si Faith. Bakit nga ba niya ginagawa ang mga ito? nag-antay siya sa babae, nag-aalala siya dito at ang isipan niya ngayon ay nasa babae lamang. Mahal na nga ba niya ito? Or na attach lamang siya dito dahil sa kanilang pinagsaluhang gabi. At ngayon nga ay pinapabantayan na naman niya ito, nag suhol siya ng isang tao para bantayan ang babae. At balak din niyang kausapin ang doctor ng lola nito kinabukasan kung pupwedi na bang ilipat sa private room ang matanda upang makapahinga si Faith habang nagbabantay sa lola nito. Lahat ng iyon ay gagawin niya para lamang sa babae. Anyway, ang deal nila noon ay dalawang milyon para sa isang gabi, alam niyang hindi hangad ng babae ang pera, hindi din ganoon ang tingin niya sa babae. Kaya nararapat lamang na ibigay niya ang lahat para magiging komportable ang pag stay ng mag-lola dito sa hospital. Pero hindi niya ikakailang na mimiss niya ang babae. Masarap matulog kapag katabi ito. Napailing-iling na lang siya sa isipin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD