He Was Engaged

898 Words
Mga alas 8 na ng gabi ay wala pa ring tawag mula kay Mr Sebastian. ‘Baka ay busy pa ito’, sa isipan ni Faith. Pero maghihintay pa rin siya sa tawag nito. Hanggang mag aalas 10 na ng gabi ay wala parin. ‘Baka bukas na ito tatawag muli. Pero ang pangako nito kanina ay tatawagan siya pagkatapos ng trabaho’, sa isip ng dalaga. Nag-alala tuloy siya kung may nangyari na sa binata. Kaya bahala na at tatawagan na niya ito. Ngunit nag ring lamang ito at walang sagot. Nag-dial muli ang dalaga. At sa wakas ay sumagot na ito. Ngunit iba ang naririnig ng dalaga sa kabilang linya. “Hello? “, tawag pa niya dito. Wala siyang nakuhang sagot mula mismo sa binata. Ngunit ang naririnig niya sa kabila ay tinig ng isang babae. Hindi direktang sagot ang naririnig niya kundi background noises. Na para bang nasagot lamang ang tawag niya accidentally. At ang mas masakit pa ay mga ungol at iyak ng kaligayahan ang naririnig niya sa ngayon. Tumulo nalang bigla ang kanyang mga luha. Hindi na ba talaga makapag pigil at makapag-antay ang lalaki? Kahit kani-kanino lamang ba ito pumapatol? Ilang milyon kaya ang ini-offer din nito sa babaeng kaulayaw nito ngayon? Pinaglalaruan lang ba siya ng lalaki? Ginawang kantutan at laruan? Marami siyang katanungan sa isip, nandidiri siya sa kanyang sarili, wala siyang pinagkaiba sa mga mababang lipad na mga babae. Hindi na niya kinaya pa kaya ay pinutol na niya ang tawag ngunit ang mga luha sa mga mata ay walang habas na nag-uunahan. Sa kagustuhan niyang makasama ulit si Ced kahit sa katauhan ng ibang lalaki ay ito ang napala niya. Ngayon din niya na-realized na malaki ang agwat ng estado nila sa lipunan ng lalaki, kaya hindi siya seseryosohin nito. Nabulag siya sa damdamin at sa matinding pagkalumbay kay Ced. Pinaparusahan na siguro siya ngayon. Tulog na ang kanyang lola. Kaya palihim at tahimik na lamang siyang tumatangis ngayon. At hindi pa natapos ang kanyang mga pasakit ng gabing iyon, kasi may natanggap siyang mensahi galing kay Mr Sebastian, makaraan ang halos isang oras ng marinig niya ang mga halinghing at ungol sa telepono. Ngunit ang mahabang text ay galing sa isang Michelle Chua at gamit ang numero ni Mr Sebastian. ‘Hi! This is Greg’s Fiancee, Michelle Chua. I knew my future husband is fond of you this few days. And I knew too you’re in his bed couple of times. I am just letting you know that even my future husband is playing fire with you, but our wedding will still happening soon. He is only playing and toying girls before we finally tie the knot. And because I am away and cannot satisfy his longing for me, that’s a reason I am allowing him to bed other women. But he is honest to me and he will always comes back to my arms. Do not assume that Greg will take you seriously. We are together right now and he wont contact you while i am here. So just forget him for your own sake!’ Parang binuhusan ata siya ng malamig na tubig sa nababasa ngayon at sa mga nalalaman. Pinaglalaruan lang talaga siya nito. Pero bakit iba ang mga titig nito sa kanya. Bakit iba ang pakiramdam niya tuwing magkasama sila ng lalaki. Parang totoo naman ang mga ipinakita ng lalaki sa kanya. Maniniwala ba siya sa text ng isang Michelle Chua? Hindi niya kilala ang babae. Ngayon lang niya narinig ang pangalang iyon. Naisipan niyang hanapin ang babae sa social media at pati sa googlee. At hindi naman nabigo ang dalaga. May nakita siyang result sa Googlee. At doon pa niya nakita at nalaman ang social background ng babae. Isang anak ng conglomerate at may ari ng mga malalaking mall sa bansa. Maganda at supestikada ang babae, fashionista at mataas ang status sa lipunan. May nabasa ding articulo si Faith tungkol sa bali-balitang kasalang naudlot between Michelle at Greg. So noon pa pala sila engaged pero hindi lang natuloy ang kasalan ng dalawa. Isang kompirmasyon agad na engaged nga ang lalaki. Napakasakit naman na kompirmasyon. At sa isang pag click niya sa profile ng babae ay nakita niya agad ang mga larawan ng dalawa na super sweet sa isang restobar. The pictures were posted a couple of hours earlier. Kaya pala hindi na nakatawag ang lalaki sa kanya. Busy pa pala. Isang desisyon ang nabuo sa isipan ng babae. Hindi siya maghahabol sa lalaki dahil talaga namang wala siyang kalaban-laban. Hindi rin naman niya alam kung naging totoo ba ang lalaki o talagang pinaglalaruan lang siya, pinapaikot at pinapaasa gamit ang matamis na dila. Mabuti nalang din at hindi pa siya tuluyang nahulog ang loob dito. At mabuti nalang din na sigurado siyang hindi siya nabuntis nito. Kakalimutan na niya ang lalaki at mag momove-on. Iisipin na lamang niyang isang magandang panaginip ang nangyari sa kanila ni Mr Sebastian, na ito si Ced na nagbalik sandali sa piling niya. She block his number and erase it on her phone para hindi na niya makikita ang numero nito. Malungkot ang babae sa nalamang katotohanan at sa nangyari sa kanila ng binata, pero wala siyang galit sa lalaki. Kasi may kasalanan din naman siya. Hindi siya pinilit nito, kusa siyang pumayag at ginusto rin niya ang nangyari. Buburahin na rin niya sa puso at isipan ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD