KAHIT NANGHIHINA ako’y hindi ko pa rin magawang ipikit ang mga mata ko dahil pakiramdam ko’y may gagawing masama ang aking ama. Maingat niya akong buhat gaya ng bata pa ako, ngayon ko lang muli naramdaman ang kanyang pagmamahal. His fatherly love that’s unconditional. Maingat niya akong inupo sa loob ng kotse at si Dolion nama’y nagmamadaling ginamot ang aking natamong sugat. “Why are you doing this?” malungkot kong tabong sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin ngunit wala akong makitang pagsisisi sa kanyang mata. Pero hindi ko rin masabing masaya siya. “At bakit nasa katawan ka ng ibang tao?” muli kong tanong. Huminga siya ng malalim at ginulo ang aking buhok bago utusan si Dolion na patulugin ako. He injected something to my veins but I tried to make myself conscious because I want to

